Baby Weight
Hi mga mommies, may concern lang ako. Im at 37wks na kasi and sa result ng ultrasound ko ay 2.8kg na si baby. Kaya pa ba inormal yun? Sino po sa inyo naka experience ng lagpas pa sa 2.8kg pero nakapag normal. Worried kasi ako eh.
Yes mommy. As long as walang prob sa health mo at cephalic position niya. Sakin yung 37w ultrasound nasa 3kgs yung baby pero nung pinanganak kopo siya 2.55kgs lang. Kalma ka lang mommy and pray. 😊
Yes po okay lang. 39 weeks nako then mga 3kilo na si baby, eto medyo tiis muna no extra rice baka mahirapan ilabas si baby
Due ko is dec 11 pero na nganak ako numg dec 2 and normal kong nilabas si LO 3.5 sya at nainormal ko naman su baby
My first born is 3.8kg and my second is 3.5kg... Kaya mo yan momsh... Strong tayo e. 😊
Nanganak po ko sa panganay ko 3.5 kg. Normal wala pong tahi walang punit o gasgas.
yes.. 3.2 nung nanganak ako sa lo ko and normal delivery un.maliit nga baby mo eh
yes d naman malaki yan momsh.. and full term kana pede na lumabas si baby..
Ako nga mamshie 37weeks 3.1kg na. Estimated fetal weight palang naman yan
Ako nga sis 3.7kg nanormal ko pa si Baby sa center lang ako nanganak.
Yes mommy, yung sister ko nasa 3.5kls si lo nya normal delivery naman sya.
Basta malaki sipitsipitan nyo keri nyo mag normal.. facts kasi ang namamana natin sa nanay natin yung laki ng pelvic.. so kung lahat naman ng anak ng mama mo is NSD nya pinanganak, keri mo rin mag normal.
Excited to become a mum