EMERGENCY C-SECTION

Hello mga mommies ask ko lang po sana kung ilang araw bago makaupo, tayo at lakad. 2days nako now sa hospital pero mahapdi paren ang tahi ko hindi ko paren kaya umupo,tumayo o maglakad🥲 Update po ngayon 2nd day sinubukan ko po bumangon at tumayo kaso pagtayo ko bigla sumakit tyan ko at may dugo na nagflow sa pwerta ko at hndi ko pa talaga kaya tumayo para po akong nakuba😢😢😢

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

CS mom here, kinabukasan nung inalis na yung catheter tinry ko na tumayo isang beses pa cr. Super masakit pa sa una talaga pero super dahan dahan lang, pakiramdaman mo yung galaw mo basta wag may pressure sa bandang incision. With assistance, need din para hindi magka bed sore. 2nd day, dalawang beses lang ako tumayo hanggang sa 3rd and 4th day kaya ko na without assistance tinry ko na din umupo. Onti ontiin lang para di mabigla ang katawan, major surgery pa din yan kaya hindi madali. Gawin mong motivation si baby para mabuhat at mahele mo na siya :)

Magbasa pa
2y ago

inalis na catheter ko mi kasi subrang sakit na pag umiihi ako ayun okay naman pero problema ko talaga pagtayo subrang sakit kahit nakabinder ako hindi ko matayo sarili ko at pag try ko na hihiga ako napapasigaw nalang ako sa sakit. kauutot ko lang kaninang 6pm bali bukas paggising ko pipilitin ko tumayo naaawa na din kasi ako Kay hubby sya lahat nagaasikaso🥹 at gustong gusto ko na din hawakan si baby😢