Hi mga mommies, ask ko lang kung tama ba ko o hindi? Ang dalas kasi nakikita namin may nakatapon ng tira tirang pagkain sa gilid o sidewalk ng house namin, parang dun pinapakain ung aso o pusa, ang ngyayare madalas din dun dumumi ung mga aso at ang dumi tignan ng labas namin. Para samin kasi, kung gusto mo magpakain ng aso o pusa, duon ka sa tapat mo, may kanya kanya naman kasi tayong sidewalk, ang linis ng tapat mo tapos dudumihan mo ung tapat ng kapitbahay mo, para samin di yun tama. So, one time, nahuli ko ung nagtatapon dun samin, sinabihan ko sya na sana wag magpakain dun kasi dun kakain ung aso dun din dudumi at nghingi rin naman ako ng pasensya.
Mejo iniisip ko lang kung mali ba ginawa ko o kung tama ba ung approach ko sknya. Sa lugar nyo ba may mga ganyan ding sitwasyon?