sobrang penge po help

Mga mommies 39 weeks preggy ako. Kahapon tinry sa boobs ko ung bago breast pump ni baby. Tapos may lumabas na parang mga water saken. Tapos simula kanina umaga po gang ngayon gabi sobra dakit ng kanan ko boobs sa kanan na part po nito. Yang nasa pic jan po na parte sumasakit. Sobra sakit po tas kung hahawakan po sya mas mabigat po sya kesa sa kabila ko boobs parang may naipon po milk. Dapat ko na po ba to ipump kahit wala pa si baby? Para makadaloy ang milk ng maayos? Ano po kaya dapat ko gawin. Sobra sakit mo na parang nag papasuso na ko. Kanina umaga sa nipple po ang sakit. Now po na gabi ma lumipat napo sa kanan lahat ng sakit wala na po da nipple ang hirap po kumilos kase hirap nanga po ko sa balakang ko hirap papo sa boobs ko. Ano po pwede ko gawin? Need help po. Kung ipupump ko po ba or relax ko lang po ng hot water

sobrang penge po help
19 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

After lumabas ni baby usually dapat nagstart na ilabas yung milk, pipilitin lang kapag nanjan na si LO pero low supply ang milk, or hindi na sasatisfy si LO. Tama sis na mali yung ginawa mo. It may harm you and the baby. And isa pa sayang yung colostrum na dapat macoconsume ni LO sayo na isa sa pinaka maganda para sa kanya. And pwede ka ap magkasakit sa breast. Now need mo na maalaga ng pump para di tumigas boobs mo. Kailangan i empty mo lagi yung breast mo para di manigas. Try mo yung cabbage na sinasabi nila. Or hot compress sis. Next time try to research or ask your ob or midwife first before doing anything. Like what mommies here always say, you have to take care of yourself for you and your baby. Godbless sis 😇

Magbasa pa

Sana d mo muna pinump sis :( Same tau e mag 8 mos preggy ako nung may natulo na gatas sa boobs ko. Konting konti lang. Minsan nasakit boobs ko gsto ko dn sana magpump pero inisip ko gsto ko ung collostrum makuha lahat ni baby. Kaya tiniis ko nalang. Ipump mo na yan sis pero please inpreserve mo ung collostrum mo. Padede mo nalang kay baby paglabas super kailangan ksi nila un

Magbasa pa

Tama hindi mo dapat pinump. Ang colostrum ay na poproduce after manganak, after mahiwalay ang placenta ni baby and pag may nag signal sa katawan mo to produce milk mag eengorge ka talga lalo na empty yung breast mo after pumping. And also it can cause contraction ang pag pump. Si baby lang dapat gagawa nyan

Magbasa pa

Pls wag muna mag.pump ! Nakakatriggger yan for early labor. Kusa naman kasi dapat na lalabas ang milk pagkalalabas ni baby. Since napump mo sya natrigger na yung breast at hormones mo. Warm compress para iwas sa pamamaga yan kasi yung mga gatas na namumuo at dapat ipasusu kay baby.

Dapat hindi ka muna nag-pump, Sis. It will signal your breasts to produce milk kasi once na-empty. Since wala pa si LO, try putting cabbage leaves muna sa boobs mo. Effective daw yun. And don’t pump again. 6 weeks post partum pa advisable mag-pump to avoid oversupply/mastitis.

pump it. tuwing nraramdaman mong mdami ng laman , para di ma stock yung milk, para di ka magka mastitis. kaso lalakas yn compare sa kailangan ni baby. ingat lang po pagmagpapa breastfeeding kna. baka mlunod si baby kasi malakas na.

naku po baka mag ka mastitis ka niyan.. hirap pa niyan pag labas ni lo mo mamaya malunod sa milk mo kasu mag oover supply ka niyan.. hot compress and cabbage lagay mo sis.. sayang naman colostrum

Mommy hanggat di lumalabas si baby wag ka mag pump. Sasakit talaga yan kasi nalabasan na siya ng milk. Dapat di mo muna ginawa yan. Sayang yang first drop ng milk mo.

mamsh. ung water (Colostrum) na cnsabi mo yun po kc dapat yung unang una masustansya na dapat madede sayo ni baby mo..kaya dapat di ka muna nag pump😑

VIP Member

Bkt kc nagpump kna na wla pa c baby kya sya sumakit kc puno na ng gatas kc nagpump kna try mo magpaadvice sa ob mo ano dapat gawin