Hello mga mommies. 1st time ko po kasi manganak sa Hospital. By October pa naman po due ko. Pero gusto ko sana magkaroon ng konting kaalaman sa paggamit ng Philhealth.
Yung Philhealth ko po kasi ,mula pa Yun nung nag work ako ng dalaga pa ko, pero nagstop ako mag work ng matagal. At hindi na nahulugan.
Tas last year hindi pako preggy nag decide ako hulugan sya ulit. Parang pinalitan ata sya ng status ,self employed ata nalimutan ko na kasi. At as single pdn po ,dahil hindi pa kami kasal ng hubby ko sa civil.
Ng malaman namin na preggy ako nag decide na kami mag hulog for 1yr na. Hanggang December 2019. Expected Due ko ay October Last week.
Pwede na po ba magamit yun sa panganganak ko? Papano po? Ano po need dalhin at papano po ang proseso?
Salamat po sa mga sasagot :)
Marinelle Alea Ferriol-Soliman