Any tip para mag-labor na 🥺
Hello mga mima , any tip para maglabor na ako haha currently i’m 39weeks na and no sign of labor , puro white discharge lang 😬 natatakot ako baka maover due na ako . Lagi na din naninigas tiyan ko tapos sobrang galaw ng baby ko . Lagi akong tinatamad maglakad lakad 😭 tapos lagi akong tulog sa tanghali pagtapos ko mag breakfast , hndi ko ksi mapigilan antok ko pag inaantok talaga ako tinutulog ko talaga . Need na ba maglakad lakad? First baby ko po ito . Wag nyo po sana masamain gusto ko lang ng tip kung paano , pag hndi nakakatulong wg nalang magcomment ksi ibabalik ko sainyo yan HAHA jk. SALAMAT PO‼️🫶🏻

lakad ka kahit 5 to 15mins a day.. dapat nga 30mins .. mag timer ka or kung tinatamad ka kahit hati-hatiin mo.. morning, tanghali at gabi . tapos sabayan mo din ng squats kahit tig 15 pag first tapos iextend mo pag kaya pa sa 20 o 30.. pahinga ka din tansyahin mo sa timer. or mag set timer ka 30mins doon mo gawamnmg routine lakad at squats na may pahinga kahit tig 4 to 5mins. ganyan ginawa ko.kinabukasan active labor na ko. 7am 4cm, 8am 6cm, pag dating ng 12noon 10cm na ko pinasok na sa delivery room. 12:36am ko nailabas si baby. kaya mo yan lakad at squats pampalakas ng pelvic floor mo. niresetahan din ako ng evening primrose nilalagay sa loob ng perineal mo 3x a day (umaga,tanghali,gabi) pampalambot yun at isang pampahilab na iniinom. basta talk to ur OB po. goodluck have a safe delivery and God bless you ☺️🙏🏻
Magbasa pa

