When a baby's crying isa lang ang ibig sabihin nyan, he/she is communicating with US (parents). Wala naman siyang ibang way diba? Hindi pa naman siya nakakapag salita lalo na't sinabi mo nga na 1yr old pa lang siya. Isipin mo mommy, paano niya sasabihin sayong nagugutom siya? Wala namang ibang way diba kundi ang umiyak lang.
What would be the possible reasons bakit siya umiiyak?
• gutom
• maduming diaper
• nilalamig / naiinitan
• nilalagnat
At madami pang iba, you can search it on the internet. Stay calm kapag umiiyak ang baby mo, walang ibang makakaintindi sa kanya kundi ikaw. Hindi solusyon ang pag sigaw sa kanya para tumigil siyang umiyak dahil sigurado ako hindi niya naiintindihan kung bakit mo siya sinisigawan. Lalo lang yan siyang iiyak dahil matatakot siya dahil malakas ang boses mo.
Kung sobrang frustrated ka na dahil sa pag iyak niya magpatulong ka sa kasama mo sa bahay. Iwan mo muna siya saglit sa kanya para magpakalma ka. Take a deep breath, inhale and exhale, uminom ka ng tubig. Kapag kalmado ka na balikan mo na si baby.
Kaya mo yan mommy, basta palagi mong tatandaan na kapag umiyak siya ibig sabihin kailangan ka niya. Habaan mo lang ang pasensiya mo.
Goodluck :)
Magbasa pa