Lying In Clinic

Mga mii okay lang ba manganak sa Lying In? Sa 2 babies ko kasi is Public Hospital same lang sila kaso na Trauma ako sa Public Hospital kasi. Naka pag pa check-up nako sa Private from 7weeks till 6months sa Angeles Pampanga kaso biglaan kasi kami umuwi ng Laguna kasi nilooban bahay namin sa Angeles. May Lying In na malapit dito sa nilipatan namin at tinanggap naman ako kahit 7months tiyan ko. Safe naman po dba? Maganda, Malinis at mababait naman mga staffs or midwife or mga nurse na andun under my observation.

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same, may trauma ako sa ospital after ko manganak. Nag stay ako ng 8days dahil daw sa BP ko na araw araw nlang tumataas. Binibigyan nila ako ng kung anu-anong gamot at kung anu-ano na tinuturok sakin pero wala pa rin. Sa mga nurse nila ang taas ng BP ko pero nung nagpa-BP ako doktor, normal naman BP ko. Tsaka sa public hospital di ka masyadong aasikasuhin lalo ng mga nurse na tenured na. Biruin nyo CS ako, may swero at catheter pero di nila ako pinapansin. Pinapagalitan pa ako kapag may dugo sa swero ko. Anong magagawa ko eh kailangan ko rin buhatin baby ko pag magpapadede at pag pupunta ng CR para itapon yung bag ng ihi ko 😣 kaya sabi ko sa asawa ko, tama na isang baby. Ayoko na manganak ulit lalo na kung public hospital 🥴

Magbasa pa
3y ago

thank you mi :) grabe akala ko maloloka na ko nun eh. Umiiyak na ko sa mama ko na sabi ko pumirma na sa waiver para makauwi na kami. 8days na ayaw pa ko pauwiin. Awang awa na ko sa baby ko, naeexpose sa maraming pasyente tapos wala pang kahit anong bakuna bukod sa hepatitis 🥺 pero mas nakakaawa asawa ko kaya ako iyak ng iyak pag kausap ko sya. Nauulanan, naiinitan sa labas ng ospital mabantayan lang kami. Bawal pumasok kasi ang bantay sa loob.