40 weeks Pregnant

Mga Mii, ask ko lang. Ano po ba pakiramdam ng contractions? 40 weeks na ko now and 2cm pa lang pag IE sa'kin kahapon. Ngayon halos simula kaninang umaga ko pa nararamdaman yung pangingirot ng balakang ko at pag bigat ng bandang pwetan ko at ng puson ko, minsan parang may menstrual cramps sya. Ano po ba ang pakiramdam ng Contractions mga mii? First time mom po ako. Thank you ❤️ Praying to all pregnant women, normal and safe delivery for us mga momsh 🙏❤️

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Based on experience po nung naglabor ako at bilang ftm na walang experience sa labor before, usually po braxton hicks yung sumasakit lang yung tyan mo dahil naninigas. Pero once na puson mo na po sumakit, possible po na maglalabor na kayo. Bilangin nyo po yung contractions na or yung pagitan ng pain na nararamdaman nyo. Pag nag 2-5 mins interval naglalabor na po kayo nun. Sakin po 7pm ko naramdaman yung pananakig ng puson tas nag intense sya ng 10pm, dun na po ako nagstart magcount ng interval gamit application na contractions counter, tas kinabukasana po di ko na matake yung pain talaga nagpadala na ko sa hospital mga past 8am na tas pagka-IE sakin 4cm na ko then dinala ako sa labor room, 9am to 1:30pm po ako nagantay sa labor room bago mag fully dilate si cervix. 1:46pm baby out na po.

Magbasa pa

contraction ay paninigas ng buong tiyan ng ilang segundo. then magrerelax ulit. malapit na manganak kung ang contractions ay palapit ng palapit ang interval at pasakit ng pasakit.

1y ago

Thank you po sa pag sagot Ma'am ❤️