Ultrasound (paki sagot po mga mi nakakaiyak lang kase di ako maka bili ng mga gamit ni baby)

Hello mga mi, posible ba talagang hindi makita ang gender ni baby kahit 34weeks na? Hindi kase ako makabili ng ibang gamit dahil hindi daw makita gender ni baby, nakalagay sa ultrasound report na maganda naman ang pwesto ng baby ko, tinanong den nila ako kung bakit nanghihingi pa ng ultrasound yung ob ko, sabi ko request ko po yung dahil nga di pa alam gender ni baby tapos kalabas ng result walang nakalagay na gender tapos sabi hindi daw masyadong makita kaya hindi na daw nilagay ni doc yung posible na gender, nakakapagtaka lang kase maayos naman position ni baby #pregnant #teamjune

Ultrasound (paki sagot po mga mi nakakaiyak lang kase di ako maka bili ng mga gamit ni baby)
10 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

white na Lang Po bilhin mo Kay baby. madali lang Naman din Sila lumaki kaya Ang suggest lang na bilhing damit Kay baby ay pang 2weeks. or kung gusto mo talaga malaman. magpaultrasound ka ulit sa iba. Meron Kasi kahit cephalic na position ni baby kung natatakpan Naman Ng legs nya mahirap idetermine. like yung sakin una boy Kasi parang may Nakita SILANG lawit then yung inulit na burger na. natakpan lang daw Ng hita ni baby.

Magbasa pa

yes po momshie possible po yan na ayaw magpakita ng gender ni baby ung kasabay ko din manganak 38weeks na niya nakita ung gender ni baby, recommend ko momshie to buy neutral colors ng damit po hiwag masyado magisip ng uncontrollable situation para safety niyo ni baby

suggest ko po magpaultrasound kayo sa ibang clinic or sa hospital baka malabo gamit nila. mas malinaw ang equipments sa ibang facilities like sa private clinics at hospitals may malaking tv pa na nakatutok sa mother bukod sa ob-sonologist

3w ago

Hello mi.. try mo sa ibang sonologist.. or inom ka ng cold water bago ka mag paultrasound para magalaw si baby. Sakin kasi inulit nun dahil ayaw magpakita ng gender,shy type daw... pinilit talaga ng OB- sono makita at sa huli nakita pa din.. 34 weeks din ako nun mi.. Pag ayaw pa din lipat ka sa other OB-Sono. Para mapaghandaan mo na din gamit ng baby mo.

VIP Member

Try niyo po muna mag pa ultrasound, mommy sa ibang clinic or hospital po. Pwede naman po magstart bumili ng gamit ni baby kahit unisex muna. Praying for your safe delivery po

pwede kaya ipaulit yun? Sa ibang clinic nalang kaya sakin kasi 4 mos nakita na tas inulit nalang nung 6 mos nakadapa pa yung bby sa 6 mos pero nakita pa din nung ob sono ko.

4w ago

gastusan mo nalang muna sa private para makabili kana ng gamit

oo puro white nalang bilin mu ako kahit girl baby ko ang baruan nya puro white.. kc pwd pa gamitin yun.. mas maganda nga kung white ang baruan ng baby..☺️

lipat ng ibang pa-ultrasound, nsa 1k-1,200 lang po pa-ultrasound maccheck na gender ni baby

try nyo po mag pa ultrasound mommy sa OB Sonologist po

nagpa CAS na po kayo? kita po dun pati gender.