Gender reveal

Mga mi okay lang po siguro na hindi ako magpapa gender reveal. Inask ako ni ob kung magpapa gender reveal pa ko at sabi ko hindi na po siguro. Wala naman po sigurong masama kung hindi na po noh? Hindi naman din po sa pagiging praktikal pero mas gusto ko lang po samin nalang po yun kasi ung pagbubuntis ko po ngayon di ko po masyado inaannounce lalo sa social media kasi masyadong toxic. Tyaka 2nd pregnancy ko na to, nung una kasi nakunan ako kaya medyo may trauma pa ako, gusto ko lang lowkey. saka nalang siguro paglabas na ni baby koooo 🥹🥹

42 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hindi naman po required mommy nasa sainyo po yan kung gusto nyo :) kami po ng hubby ko pinag usapan po namin yan, family lang po kasama sa gender reveal namin 😊 Nasa inyo po yan kung ano pong gusto niyo since kayo po parents ng baby, don’t worry mommy okay lang po yun nauso lang po yan dahil sa socmed pero hindi required, Pati po yung monthly celebration paglabas ni baby hindi rin po yun required. Wala po ako balak mag ganun sa baby ko hehehe 🥰

Magbasa pa