Hindi ako sana’y 🥺

Hello mga mi , im currently 6months na po pero parang bilbil lang 🥺 i dnt know kung need ko magworry (pero nagwoworry talaga ako) Yung iba ang laki ng tyan halata na samantalang ako busog ampeg , pero ksi sabi nila wag pangarapin na malaki ang tyan ksi mabigat , malaki si baby or baka ma CS at kung ano ano pa . Paano kung maliit baby ko palakain naman ako pero minsan nalilipasan kapag walang pagkain 😭 Any payo mga mami’s wag nyo po sana masamain tanong ko need ko lang ng magandang payo , yung iba kasi dito nakakaoffend nagtatanong lang naman 😬 THANK YOU MGA MI 😭 #pleasehelp #firstbaby

29 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hello. Kung consistent po ang check-up niyo at sinabi ng OB na wala namang problema sa pinag bubuntis niyo, wala po kayo dapat ipag alala. Ganyan po talaga, iba-iba po talaga ang size ng mga tyan ng mga nagbubuntis, may malaki mag buntis may maliit. Wag po magpastress.

2y ago

Hndi naman po ako naiistress ng sobra naiisip ko lang bat ang liit pa din ng tyan ko 😅 salamat po mi!

Parang naliliitan din ako sa tyan ko pero hugis buntis naman na ako currently 7 mos ako and yung OB ko ayaw nya sabihin if sakto lng yung laki ng tyan ko kase pwedeng sa taba ko kaya malaki tyan or maliit. Sa utz talaga malalaman kung saan sakto talaga laki ni baby sa buwan.

My tummy started showing at 7 mos pero sabi ng OB ready naman yung baby for normal delivery. We’re the same hehe sometimes nalilipasan ako lalo na nung una kasi hindi ko alam na gutom pala ako 😂 just take the vitamins recommended & try to not miss appointments 💓

ako sis currently 17 weeks pregnant and napapansin ko mejo nlaki naman tyan ko pero hindi ako nag gain ng weight, pero sabi ni Ob ok lang dw kasi mahirap din na masyado malaki ako at si baby. tuwing check up naman tinitingnan nya si baby ok naman dW size ni baby ☺️

ako po 4months na sobra liit dn ng tiyan ko😅 parang normal lang na katawan ko talaga kita pa nga po ABS ko😅 pero monthly check up naman po ako at okay naman po c baby wla namn sinasabi c OB ko basta ingat lang kasi placenta ko is not normal kaya bed rest😊

VIP Member

mommy wala po yan sa laki ng tiyan kundi sa laki ng bata.. as long as normal ang weight ni Baby sa loob walang bearing yung laki ng tiyan natin.. ako po ganyan din, 6 months po nakakapagpants pa ako, actually kabuwanan ko na nakamaong shorts pa ako hehe

Same po tau mii, 31weeks npo ung tummy ko pero sabi nila ang liit daw.. Pero as long na healthy ung baby ko, nd kona pinapansin ung sinasabi ng iba.. Eat k lng po ng mga healthy foods and pray po tau n makaraos din po tau ng safe 😊🙏🙏🙏

Same tayo sis maliit din ang tyan ko 7 mos pregnant ako. Niresitahan ako ni OB ng Amino Acid, pampalaki daw kay baby kasi hindi match yung laki nya for 7 mos. Dont worry mommy atleast malaki chance talaga natin mainormal to at makatipid hehe

TapFluencer

hello Mi, wag ka po mastress dahil iba iba po ang babae magbuntis. basta po sa check up nyo ok si baby. :) ako po sa 1st baby ko ang laki ng tyan ko.. pero ngayong 2nd baby, sakto lang laki nya.. so iba iba po talaga.

Ganyan po ata talaga mommy may mga maliit o malaki magbuntis. Kabwanan ko n po pero parang 6mos lang tyan ko kasi payat ako,akala ko dati tataba ako pag nabuntis kaso hndi 😂

Related Articles