Hindi ako sana’y 🥺

Hello mga mi , im currently 6months na po pero parang bilbil lang 🥺 i dnt know kung need ko magworry (pero nagwoworry talaga ako) Yung iba ang laki ng tyan halata na samantalang ako busog ampeg , pero ksi sabi nila wag pangarapin na malaki ang tyan ksi mabigat , malaki si baby or baka ma CS at kung ano ano pa . Paano kung maliit baby ko palakain naman ako pero minsan nalilipasan kapag walang pagkain 😭 Any payo mga mami’s wag nyo po sana masamain tanong ko need ko lang ng magandang payo , yung iba kasi dito nakakaoffend nagtatanong lang naman 😬 THANK YOU MGA MI 😭 #pleasehelp #firstbaby

28 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

hello mommy! nakapagpaultrasound na po kayo? possible naman po na di mo lang nahahalata ang baby bump dahil sa built po ng katawan nyo. ako napansin pa lang bump nung 4 to 5 months na. parang bilbil lang din pero normal size ni baby. pumayat din ako sa pagbubuntis ko. ngayon po 9 months na ko next week, maliit daw tyan ko pero si baby sa loob malaki na ng 1 weeks ang size. iba iba po talaga ang baby bump. puro po bata ung tyan ko sabi ni ob. hehe. iwasan nyo po ung malipasan kayo. kasi nakadepende po si baby sa kinakain nyo. 😊. kung maliit po size ni baby, aadvice naman po kayo ni ob at bibigyan ng vitamins. good luck mommy! iwasan po ang stress. hangga't maaari positive thoughts tayo lagi. 🥰

Magbasa pa

hello mi, lahat naman tayong buntis ibaiba po ang laki ng tyan..pag petite ka maliit talaga tyan..like sa akin nung di pa ako buntis nasa 45-50kgs lang ako tas nung nabuntis ako sa 1st baby ko maliit lang din talaga tyan ko..madami nagsasabi kahit hangang ngayon na buntis ulit ako for our 2nd child maliit daw ang tyan ko parang di daw ako buntis..kaya minsan di talaga halata sa akin na buntis ako..mag 6months nako nun nung nahalata na tyan ko..wag masyadong magworry as long as healthy kayo ni baby ☺️

Magbasa pa

THANK YOU MGA SA ADVICE MGA MI ! ❤️ Na-appriciate ko po kayong lahat 🥺 Every month naman po ako nagpapacheckup kasama ultrasound at sabi naman ng OB ko normal lahat ng test ko . Next ultasound ko is CAS na , kaya sobra akong kinakabahan ksi doon na makikita GENDER ni baby at kung kompleto ba sya 🥺 Ayun kinawo-worry ko ngayon hiling ko okay baby ko normal and healthy . Need your prayers para sa baby ko mga kapwa mommy’s ko ❤️ SALAMAT PO SAINYO! Ingat ang lahat 🦋 Godbless!

Magbasa pa

Iwasan po nating icompare yung tyan natin sa ibang mommies na preggy kasi ganyan po ang mangyayari. masstress ka magwoworry ka. iba iba ang mga babae magbuntis Sis... if okay naman lahat sayo at kay baby during check ups , why ka po nagwoworry?.. kaya ako naiinis ako sa mga pumapansin ng tyan ko. pinakaayaw ko yung ikukumpara ako sa ibang tyan 😅basta go with the flow, stay positive at happy ka lang kasi nafifeel ni baby lahat ng emotions natin.. Godbless po.

Magbasa pa

hi mamsh don't stress yourself. 🙂 ako nga 23yrsold pero nagbuntis nasa 37kls lang ako ngayon lang ako nag gain ng kaunti nasa 45-46kls nako now. mag 7months na tummy ko pero parang busog lang at hindi halata pag naka oversized shirt. wag ka ma bother if napapansin nila na maliit tyan mo. ako kase kahit maliit siksik naman baby sa loob makinig kay ob wag sa mga sabi sabi. drink maternal milk at prenatal vitamins. para dika mag worry

Magbasa pa

Dont worry po Mi. Wag mo pong icompare ang tummy mo sa iba masstress ka lang po. ako kung okay nman lang mga result sa ultrasound sabi ng OB Sono wag ka nang mabahala. ako nga second pregnancy ko na now maliit tlga ako magbuntis. Hindi ka lang talga siguro tabain same as me.. Mahirap din kapag malaki si baby sa tummy ..As long as normal lahat ang fetal weight at accurate ang mga measurements ni baby aa tummy mo dont worry po 🥰🥰

Magbasa pa
VIP Member

hi mhi. iba-iba po ang mga mother pag nagbubuntis sadyang may malalaki at may maliit din.. if nasabi naman ni OB mo na need mo pa mag gain ng weight edi kain lang kayo ni baby ng healthy foods pero in moderation parin kase nga diba mahirap na pag masyadong malaki na. and take note, kahit maliit pa yan at kapag lumabas naman si baby sa tummy mo eh mabilis na yan lumaki,,promise!😉💚

Magbasa pa

hugs sis, same tayo sis maliit lang din tiyan ko parang bilbil lang din nung 6months ko , kahit nung kabuwanan ko na sis sinasabi ng ob ko mukhang pang 6months tiyan ko. ok lang yan sis as long as regular naman checkup mo sa ob and ok naman si baby. gang sa nanganak ako sis maliit talaga tiyan ko pero healthy si baby yun naman importante and nakadalawang push lang ako kay baby sis.

Magbasa pa

hi po wag mag worry if sabi ng OB mo ok lng ang baby sa sinapupunan. ganyan din ako dati tapos people around mi keep on telling me na maliit talaga ang tiyan ko. pero sabinng OB ko ok naman sya. at sa awa ng Diyos pinganak ko first born ko 3.370 kg at second 2.75. may mga mommy talaga na maliit ang tiyan pag nabubuntis.

Magbasa pa

Hi, kahit hindi po ganun kalaki tyan ang mahalaga yung laki ni baby sa loob ng tyan nyo is tama lang sa gestational age nya. Dun po magkakaproblem if kulang kilos ni baby like me na may risk na to have emergency cs kahit 33-34 weeks palang and need magpa shot ng steroids kase pag labas ni baby sa emergency cs, premature pa sya.

Magbasa pa