Ex na papansin
Hello mga mi gusto ko lang mag labas ng sama ng loob... Mag 2years na kami ng partner ko single mom ako nung nakilala ko sya tagal din ako naging single dahil sirang sirang yung mentalhealth ko at grabi yung trust issue ko dahil sa ex ko 😔 akala ko magiging maayos na mental health ko kasi nagkaroon ako nga partner na mapagmahal ang never ako niloko... Pero di pala grabi yung selos at insecure ko pagdating sa mga ex niya na halos lahat kasi nagpapapansin ang nag aadd parin sa socmed niya yung iba nagpaparinig sa tiktok di naman pinapansin ng partner ko pero grabi yung insecurities na nabibigay sakin lahat kasi ng ex ng partner ko e nag tagal sakanya yung iba 6yrs 3yrs at 2yrs din pero lahat yun di maganda naging experience nya yung isa muntikan na pina angkin sakanya yung baby yung isa naman pina abort yung baby kasi magaabroad daw at yung isa may asawa na... 10yrs din gap namin ng partner ko mag 31 na sya this yr ako naman 21, subra akong nasasaktan di ko alam bakit minsan naluluha nalang ako 😔 i'm currently 39weeks pregnant na at grabi yng mentalhealth ko ngayon huhuhu Oa lang ba ako? 😢


