TIME CHECK 1:46 AM
Mga mi ang sama ng panaginip ko😭. Nag cr daw ako at dumumi kaso nung habang umiiri ako bumulwak daw yung dugo at may kasama fetus😭. Nanginig ako sa kaba mga mi😭 opo ramdam na ramdam ko yung takot sa panaginip ko. Tapos chineck ko agad at confirm nga na baby ko daw😭 I'm currently on my third month na mga mi kaya sobrang makatotohanan nung panaginip ko😭 nung sinabi ko daw sa mister ko humagulgol din sya ng iyak😭then sabi ko sana panaginip lang 'to ng paulit ulit hanggang sa nagising ako😭 tapos napahagulgol din ako ng iyak😭 narealize ko lahat sa panaginip na yon na kahit alam kong marami nanamang dadating na pagsubok at kabi kabilang chismis/husga ang matatanggap ko ay kailangan kong tanggapin yon. Meron din po kasi akong hipag na nakunan, minsan napapa isip ako na sana ako nalang sabay iyak😭 16 months palang po kasi yung lo ko at sobrang worried ko na baka hindi ko na sya mapag tuunan kapag dumating na 'tong isa😭 dagdag pa yung mga matatamo kong salita sa relatives kong mga strikto. Wala naman ho akong magagawa kahit hindi ko ginusto to at pumalpak lang naman yung injectable ko😭. Ano pa pong mapapayo nyo sakin mga mi😭 minsan kasi nawawalan na ako ng pag asa at hindi ko pa naaamin sa pamilya ko😭 pero alam ko sa sarili kong hinding hindi ko magagawang itanggi 'tong dinadala ko😭para hindi ho kayo mag taka 20 years old po ako ngayon.
a wonderwo'mom of two??