Paglilihi, 8weeks preg

Hi mga mhie! Nabuntis ulit ako after 9 years. 2nd child, 8weeks na. di ko maintindihan yung paglilihi ko, di ko kasi to na experience sa first born ko. sa aug 15 pa kasi darating ang malapit na OB samin , di pa ko nkapagpa check up. Normal lng ba na palaging masama ang pakiramdam, parang nasusuka, nahihilo, pangit ang panlasa, naiisip ko pa lng na kakain ako, nasusuka na ko at konting kain lng, nasusuka na nman ako. Palaging parang pagod, sensitive, mina-migraine, feeling bloated ang tyan, parang palaging may tumutusok sa puson ko at di masyado nkakatulog sa gabi. Nai-stress na po ako. May same po ba sakin dito? Ano kaya home remedy para mabawasan sama ng pakiramdam ko? Sana my makasagot. #2ndbaby #paglilihi

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ganyan din ako mii .. di na ako nakaka kain maayos kasi iniisip ko pa lang masusuka na ako, sa akin naman gusto ko lagi ako matulog kasi nakaka pagod at nakaka antok kahit wala ako ginagawa. gusto ko man kumilos kaso tamad na tamad ako.Moody din ako . mabilis mairita . May sumasakit din sa akin sa kanan bahagi naman ng puson ko ..

Magbasa pa
2y ago

sis ganyan na ganyan ako..Pero ok naman po appetite ko..