FTM , CS
Hi mga mamsh,sino po mga nanganak ng CS dito? ? Share naman experience nyo sa ospital?sobrang sakit ba?lalo ung tinutusok sa likod?kinakabahan ako hehe ..thanks sa sasagot
Cs mom here! Hindi ko na naramdaman yung pagtusok sa likod momsh. Emergency CS kasi ako kaya naglabor muna ako huhu sobrang sakit at hirap ng dinanas ko sa paglabor. Di makababa si baby kasi double cord coil pala. Nakatulog na agad ako nung tinurukan ako kasi sobrang pagodbsa labor jusko po. Pero momsh kaya mo yun! Remember! Walang hindi makakaya ang Nanay para sa Anak. Wag ka kabahan and pray lang palagi momsh. 😇
Magbasa paNag labor muna for 2hours kaso nawawalan na ako agad ng tubig kaya na CS na. Wala yung turok ng anesthesia sa sakit nung labor, kaya parang keri lang. Pero nung nasa room na ako at nawala na yung anesthesia nandun na yung sakit. Naka dalawa akong shot ng pain reliever, pero di pa rin nawawala yung sakit. Sabi ng doctor baka daw mababa yung pain tolerance ko kaya ganun.
Magbasa paD naman masakit momsh...na emergency cs ako nung nanganak ako kay baby pero siguro d ko rin naramdaman yung pain nung turok lasi nag induced labor muna ako mas ramdam ko pain ng paglalabor kesa doon at wla ako tulog for two nights straight isa pa siguro yun sa dahilan..after matusok sakin nakatulog ako agad pagod na pagod na kasi tlga ako nun.
Magbasa panung tinurukan ako anesthesia nagulat lang ako konti pero di naman po masakit.. ok naman sa ospital na pinagpaanakan saken se mabait at maasikaso mga nurse dun saka OB ko.. kaya mo yan sis isipin mo nlng na kaya tiisin ng ina lahat basta para sa anak, importante mailabas mo c baby ng safe.. gudluck po
Magbasa paDpende yata yon kasi mataas yung pain tolerance ko nung buntis ako kaya hindi ako nahirapan kahit mag pagaling wala akong hirap. Siguro pag naka mind set sayo na masakit lahat wala kang mararamdaman once na ginagawa na sayo. Anw kaya mo yan ang mahalaga healthy makalabas si baby at ikaw din ❤️
Hindi po masakit nung naCS ako. Halos inantok lang po ako dun sa tinurok nila. Kahit gusto ko gumising di ko magawa, pero naririnig ko po nagchichikahan pa mga kasamahan ng OB ko 😂 Masakit po pag pawala na yung anethesia pero keribells nyo po yun.
Wla k mararamdaman pag CS, khit Yung pag tusok sayo sa likod or pag lagay catheter. Parang natulog k lng pag gising mo may baby kna. . Ung tahi masakit sa una. Pero my binibgay naman n pain reliever kaya makakagalaw galaw k p rin.
Hindi naman masakit mamsh 😊 gising ako at kinakausap pa ng nurse nong hinihiwa ako 😅 nakatulog na lang ako after ipakita sa akin si bibi ko 🤗ang masakit pag gising mo wala ng anaesthesia pero keribels naman..😁
Hindi po masakit..after mawala ng anestesia ayun mararamdaman mo na.. d ka makatawa,d ka makaubo,d ka makaire😊😁at ang pinakamasakit ay yung sa bulsa..pwera nlang kng sa public hospital ka manganganak mura lang😊
Sa mga first baby ko! Naranasan maging Cs! Kakabahan ka tlga pag firstym mo! Pero kailangan I relax mo lang isip mo pra d tumaas BP mo! Hndi nmn masakit pag may tinusok sa likod prang kagat lang ant!