Maselan
Hello mga mamsh! Sino dito ang maselan mag-buntis? Ako kasi grabe pa din yung nausea ko. 27weeks na ako pero hindi pa din naaalis yung sobrang hilo ko at selan sa mga amoy. Though nabawasan naman kahit paano kasi nung 1st to 2nd trimester ko grabe panghihina ko. Para ako laging nilalagnat at feeling ko mag shut down yung katawan ko sa sobrang panghihina. Bumangon lang hirap na ko. Ngayon medyo nakakakilos na din ako sa bahay kahit papaano pero minimal lang kasi nahihilo talaga ako agad. Minsan naiingit na nga ako sa mga preggy na parang wala lang sa kanila yung pag-bubuntis nila. Normal na normal sila, nakakakilos ng maayos at halos walang nararamdaman na symptoms.? Pero sabi ng mom ko wag daw ako masyadong maapektuhan kasi ganun na ganun din daw siya nung pinapag-buntis niya ko. Hanggang 9 mos. daw nagsusuka pa din siya at nanghihina. Meron din po ba sa inyo na ganito yung pakiramdam?