Breast feeding struggle

Mga mamsh 2 weeks na since nanganak ako pero until now parang mahina pa din breast milk ko.. hindi ako makapag pump ng madame kahit ano gawin ko.. pinaka madami ko sa isang session 70ml pero galing pa ako non sa tulog.. tapos ung mga sumunod na pump ko, 40ml nlng. may supplements ako at hindi naman ako nagkukulang sa tubig pero nauubusan pa din ako. Malapit na ako sumuko mga mamsh prng hindi ko na kaya magpa breast feeding ???

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kaya mu yan po. wag sumuko at wag din isipin ang pag suko kasi baka madepress ka pa po nian. Unlilatch mu lang po. di pa po advisable ang pump. not until 6 weeks after giving birth po. mas effective po kung every 2-3 hours mu po madedehin c baby. the more na nadede po kasi sya, the more na naaactivate yung mga ugat sa breast na nakakapag produce ng milk.

Magbasa pa
5y ago

Paano maoovercome po? Tiis lang talaga momsh. Magsusugat po kasi tlaga sya lalo na kung hindi pa kaya ni baby na malatch yung buong areola. pag maliit pa yung buka ng bibig nia. Search ka po ng mga vids kung panu yung proper latch ni baby. dapat po buong areola yung nasusubo nia po. Sakin nun mula nung day 1 po nagsusugat sya ng halos 1 linggo pero continue lang. super sakit tas may dugo n minsan. pero laway lang din ni baby makaka heal ng sugat po. wag kau maglagay ng kahit na anu para maheal kasi baka makain pa nia un. after a week, nakuha na ni baby kung panu proper latch po. Positve thinking lang din po. lalo na ngaung panahon po mas need ni baby ang breastmilk. mas healthy po.

Mommy normal lang po yang dami na yan. Ang liit pa po ng tiyan ni baby hindi pa po nya kailangan ng marami. Unli latch mommy at huwag ka muna mag pump kasi mas effective pa rin ang latch.