HELP

Mga Ma, pahelp naman po first time mom po ako mag 1 month pa lang po si lo ko sa saturday. Pero pag gabi po grabe ang iyak nya walang tigil hindi naman puno ang diaper, nakadede naman na, di naman mainit o malamig sa kwarto namin hirap na hirap kami hanapin yung gusto nyang pwesto. Pangatlong gabi na po na ganon sya halos 2hrs walang tigil ang iyak di na po namin alam gagawin pag umiiyak sya ng ganon katulad kagabi halos maiyak na lang din ako kasi di ko na alam gagawin namin. Sa gabi lang po sya ganon pero pag sa umaga at hapon okay naman sya. Ano po kaya dapat gawin ko pag ganon? Nasstress po kasi ako pag umiiyak sya ng ganon ??

48 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan din po si lo ko dati bago sya mag one month 4hrs syang umiiyak walang tigil. Salitan na kami mag asawa mga biyenan ko at yung katulong di mapatahan mag sstart sya ng iyak 10pm then exactly 2am tulog na sya. Nawala din po yun nung nakakaaninag na sya at nakakita na sya. Hanapin mo lang mommy kung san sya mas komportableng pwesto. Sanayin mo din si lo mo mommy pag gabi eh nakadim na lang ilaw niyo para di sya mamuyat pag nalaki. Si lo ko simula nung nakakita sya di sya namumuyat alam niya ata ang gabi at araw. Hehe

Magbasa pa