HELP

Mga Ma, pahelp naman po first time mom po ako mag 1 month pa lang po si lo ko sa saturday. Pero pag gabi po grabe ang iyak nya walang tigil hindi naman puno ang diaper, nakadede naman na, di naman mainit o malamig sa kwarto namin hirap na hirap kami hanapin yung gusto nyang pwesto. Pangatlong gabi na po na ganon sya halos 2hrs walang tigil ang iyak di na po namin alam gagawin pag umiiyak sya ng ganon katulad kagabi halos maiyak na lang din ako kasi di ko na alam gagawin namin. Sa gabi lang po sya ganon pero pag sa umaga at hapon okay naman sya. Ano po kaya dapat gawin ko pag ganon? Nasstress po kasi ako pag umiiyak sya ng ganon ??

48 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan din baby ko ngayon, 22 days old palang siya now. Sa umaga at hapon okay naman siya dere deretcho tulog pag dating ng gabi iyak ng iyak. Ang ginagawa ko bubuhatin ko sya kakausapin ko sya tapos tatahimik siya, nakatitig siya sakin na akala mo nakakakita na, minsan kinakantahan ko pa siya. Pag tumigil na siya kakaiyak ilalapag ko ulit siya tapos ichecheck ko kung may dumi na sa diaper tapos hinihilot ko tiyan nya at likod. Ayun di na siya iiyak padededein ko na ulit tapos makakatulog na sya. Ganon lang ginagawa ko sa lo ko.

Magbasa pa