HELP

Mga Ma, pahelp naman po first time mom po ako mag 1 month pa lang po si lo ko sa saturday. Pero pag gabi po grabe ang iyak nya walang tigil hindi naman puno ang diaper, nakadede naman na, di naman mainit o malamig sa kwarto namin hirap na hirap kami hanapin yung gusto nyang pwesto. Pangatlong gabi na po na ganon sya halos 2hrs walang tigil ang iyak di na po namin alam gagawin pag umiiyak sya ng ganon katulad kagabi halos maiyak na lang din ako kasi di ko na alam gagawin namin. Sa gabi lang po sya ganon pero pag sa umaga at hapon okay naman sya. Ano po kaya dapat gawin ko pag ganon? Nasstress po kasi ako pag umiiyak sya ng ganon ??

48 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Lahat nang ina dumadaan sa stage nayan 1st to 2nd ang sobrang toughest meron pa yung mulat ang mata mo gang mag umaga, tipong napatulog mona pero pag ilalapag mo agad agad magwawala. Pero alam mo momsh mag iiba din yan, pabago bago ang mga baby, pag ganyan pahabaan talaga ng Pasensya yan, kausapin mo lang, hilutin mo tyan or likod tamang haplos haplos lang titigil din yan. Nag aadjust pa kasi sila sa outside world so dapat mahaba habang patience talaga. Magbabago payan, pag 3mos onwards na makaka tulog kadin ng normal.

Magbasa pa