HELP

Mga Ma, pahelp naman po first time mom po ako mag 1 month pa lang po si lo ko sa saturday. Pero pag gabi po grabe ang iyak nya walang tigil hindi naman puno ang diaper, nakadede naman na, di naman mainit o malamig sa kwarto namin hirap na hirap kami hanapin yung gusto nyang pwesto. Pangatlong gabi na po na ganon sya halos 2hrs walang tigil ang iyak di na po namin alam gagawin pag umiiyak sya ng ganon katulad kagabi halos maiyak na lang din ako kasi di ko na alam gagawin namin. Sa gabi lang po sya ganon pero pag sa umaga at hapon okay naman sya. Ano po kaya dapat gawin ko pag ganon? Nasstress po kasi ako pag umiiyak sya ng ganon ??

48 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same here. Mag 3mos na LO ko. May time kasi po na gusto lang ni baby na karga siya kasi dun siya komportable kaya nung mga unang buwan natutulog siya sa dibdib ko. Try mo po e swaddle para feeling niya karga siya at lagyan niyo po manzanilla tiyan niya madali po kasi sumakit tiyan nila mahanginan lang ng konti. Magbabago din po yan. Tiyagaan lang. Kada week iba iba po ang sleeping habit nila. Kaya mo yan mommy. God bless you & your LO ❤️

Magbasa pa