Milk formula

Mga kamomshie pahelp naman. Suggest naman ng maganda formula para sa gatas ni baby. Ang hina kase ng breastmilk ko todo pump na ako at padede sakanya kaso nakukulangan sya at di nahinto sa iyak kaya kelangan ko mag formula. Masyadong mahal ang S26? ang lakas nya magdede eh

15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Natuyo na din yung breastmilk ko after 1mo. ko manganak. Lahat ng necessary ginawa ko na para dumami lang supply ko na milk kaso wala talaga at nakakaawa na si lo dahil di sya nabubusog sa breastmilk ko kaya nakaka-depress. Kaya napilitan na kame i-formula fed sya. 1mo.-3mos. S-26 Gold milk normal naman ang weight nya at wala nman allergies. Yun nga lang katagalan, nagiging constipated at madalas kinakabagan. So nag-try kame ng ibang formula milk na mas mura at halos same lang din naman yung nakukuhang nutrients ni lo. Syempre kinunsulta nmen ang pedia nya at according to her wala nmang best formula milk as long as hiyang si baby🙂. At nagPalit na nga kame from S-26 Gold to Nestogen 1. Almost 2mos. na sya na milk ni lo at so far mas hiyang sya dito. Mas bumigat, wala ng kabag, hindi na constipated.🙂

Magbasa pa
6y ago

Yung pang-trial pack po ay 65pesos.(pinakamaliit na karton)