Pag lilihi

hi mga ka-mommy ko dyan 😊 preggy 7 weeks and 4 days na ako, sobrang selan ko n namn po mag lihi ngayon, maya't maya ang oag susuka at hilo ko.. di na rin ako masyado makakain at inum ng tubig dahil sinusuka ko din, ano po bang gunagawa niyo para di masyado magsuka at hilo..

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Di po ako naniwala sa lihi kasi wala naman ako hinahanap na specific na pagkain nun 1st trimester ko. Madals din ako magsuka pero kapag lunch na malakas kain ko at di rin mapili sa pagkain. Umiinom ako salabat bago matulog at pagka gising sa umaga dun nawala yung pagkahilo at pagsusuka ko.