Working Mom
Hello, meron po ba ditong working moms na kagaya ko? Sorry, gusto ko lang rin kag rant. Naiistress din ba kau at napapagod. Naiiyak kasi ako. Nagwowork ako full time, wfh, minsan nag oovertime pag maraming work. Pero ako rin sa gawaing bahay at ito, 8 mos pa akong buntis. Iniisip ko panu nalang kapag lumabas na si baby. Di ko alam panu hahatiin oras ko. Kapag busy ako sa work, di ako makapag luto. Minsan nalilipasan na ako ng gutom. Kapag weekend, halos wala rin akong pahinga kasi maglalaba, maglilinis ng bahay. Si mister, wfh rin, pero mas tanghali pasok nia. Di ko siya maasahan sa mga gawaing bahay kundi sa paghuhugas lang ng pinggan. Madalas hindi pa niya nagagawa. Kaya ako nanaman. Nagusap na kami about dito, wag raw kami muna kumuha ng katulong. Kasi maliit lang naman daw bahay namin. Paghatian nalang daw namin mga gagawin, kaso wala naman. Kapag maglalaba siya, damit lang nia lalabhan nia. Ayaw rin nia ako pahawakin ng pera, para may mabili naman ako sa sarili ko. Pang motivate ba. Take note, mas malaki sweldo ko sa kanya. Pero di ako makabili ng gusto ko hanggat di namin pinag aawayan. Naiiyak ako kasi naaawa ako sa sarili ko. Kapag iniisip ko itong sitwasyon ko, nanghihina ako. Ano po dapat kong gawin. Salamat sa magbabasa ng buo at sa magaadvice. #advicepls #1stimemom #pleasehelp
Mom of two beautiful children.