Same po tayo pero 10 weeks of pregnancy ko alam na ni mama (8 weeks ako nung nagpa-checkup) then sinabi nya sa dad ko (which is stepdad ko), sya kinalakihan kong tatay at sobrang blessed ako sa kanya but still sobrang disappointed talaga sya sakin nun ang dami pa nya kasing pangarap for me (at sobrang taas din ng expectations nya sakin) tapos di ko natupad panganay pa ako btw degree holder na po ako ha hehe starting palang kasi ako matupad mga dreams nya para sakin e kaya yun hirap makapag-moveon, mga 1 or mag-2 months nya rin ata ako hindi kinikibo (kikibuin lang kapag nandyan bf ko kasi nagtatanong sya kung anong plano namin). Masakit sa part ko na di nya agad natanggap at di nya ko pinapansin pero naiintindihan ko kasi may sala ako e, tayo pa nga dapat magpakumbaba.
Lakasan mo rin po loob mo na sabihin sa kanila, nakakatakot talaga sa una at nakakaiyak pero nandyan na yan e, soon lahat sila magiging excited sa baby, baka agawin pa nila sayo baby mo sa sobrang tuwa nila hehe. Good luck momsh and congrats 😊
Magbasa pa