127 Replies

VIP Member

Sa umpisa lang yan girl 😊 Natural na magalit sila or madisappoint. Mas maganda na sabihin mo habang maaga pa kesa malaman pa nila sa iba. Sa lahat ng tao sa paligid mo, sa parents mo kakailanganin ng support for your pregnancy. And a little advice, pacheck up ka na sa ob ah para alam mo lagay ni baby 😊 Your baby will bring joy to your house I'm sure 😊 By the way, pagusapan nyo muna ng bf mo yan.. Sama mo si bf sa pagsabi sa parents para makita nila paninindigan nya.. Time will come na sasabihin nyo din yan so why not now di ba 😊 Medyo same tayo experience te girl. Pero inisip na lang namin, is to make our baby an inspiration to us. Because of our love, may isang tao na magkakaron ng chance to experience life ❤

ilang weeks ka na? tell them asap. wag ka matakot, blessing yan sa family mo. show them your ultrasound, unahin mo sabihin sa mom mo, heart to heart talk lang. wag mong isipin na ma-hi-hinder ni baby yung pangarap mo, maaring mabago o malihis lang pero gawin mo siyang inspirasyon na mas lawakan at lakihan pa ang pangarap mo. humingi ng advise sa mon mo. pagkatapos sabihin sa mom mo, magpatulong ka sa kanya sa pagsasabi sa dad mo. maging humble and respectful, sa umpisa maaaring tumaas ang boses nila, pero eventually matatanggap din naman yan. pagkatapos mong sabihin sa parents mo, iharap mo yung boyfriend mo, para makausap siya. pray ka sa guidance ni Lord. God bless you and your baby.

magandang maging open tayo sa parents natin mas nakakagaan. kung nasa tamang edad kanaman na maiintindhan ka nila.😊 ako nga 25yrsold ako nun dipa ako buntis nag open nako sa mama ko na may nangyari samin ng bf ko para dina sila magulat pag nabuntis ako. sagot sakin ' ok lang yan matanda ka naman na ' kala ko magagalit. mag29na ako ngayon married sa ex bf ko at abangers na sila sa magiging apo nila 😂 pero ibaiba man masasabi ng magulang magalit man yan o hindi need natin mag open at pakinggan lang kung ano sasabihin nila anjan na yan e, madisapoint man sila lilipas din un at mapapalitan ng excitement sa magiging apo nila. kaya GO sabihin muna momshie.😊

VIP Member

Ako sis sa mother ko muna sinabi na delayed ako. Nasermonan ako pero tanggap naman nya. Nahirapan kami sa father ko kasi ofw yung father ko 30yrs mahigit sya don para mapag aral kami tas unica ija ako. Hirap na hirap kami non pano sasabihin. Pero tinulungan ako ng mother ko. Before kami umuwi ni bf after check up samin, tinawag nya yung tita saka tito ng father ko. sinabi na nila sa father ko sila kumausap pero humarap pa din kami ni bf kahit galit. Nagalit sya samin ni bf nung araw na yon, umuwi ako sa kami sa bahay ng bf ko non. pinalamig ko muna si tatay pero after a week tumawag sya umuwi na daw ako. and now ito libang na libang sya sa apo nya. 😊😊

hnd tlg maiiwasan n magalit cla pero lilipas dn yn kc blessing ang baby.Ako nun alm qng knkabahan asawa q n mgsabi kc mg bf plng kmi nun kya gnwa q, icningit q topic..pra msabi q n buntis aq. Sb q ky nanay YUNG WASHING MACHINE WITH DRYER PAGLABAS NLNG NG APO MO, ILANG BUWAN NLNG NAMAN.. tapos bngyn q cla ng pera 😂 d nmn nagalit tuwang tuwa pa nga.Ng sbhn ng nanay ko sa tatay ko, d nsn nagalit.. ganun dw tlg kc lage kming mgkasama saka bkt dw mgka ka apo n xa e ang gwapo plng nya, gagawan dw nya ng upuan yung bike nya at ililibot yung apo nya pglaki, isasakay dw nya sa motor o bbli ng maliit n bike at sabay dw clang magba bike 😂 andami nyang plano

Same situation tayo. I got pregnant a year after I graduated and di ko rin alam pano sasabihin sa parents ko. Dalawa kami n bf ko nagsabi tapos di sila natuwa and nagalit sila, pero after a week naman ay nawala rin galit nila and natanggap nila. Now eh super supportive nila and excited. We are just waiting for my bebe to come out 😍. Expect na di maganda ang magiging reaction nila at first and kailangan mo talaga mag apologize ng sobra sa kanila and kailangan mong tanggapin mga sasabihin nila. Pero girl, pag inamin mo sa parents mo ay dapat dalawa kayo ng bf mo magkasama kasi pareho niyong ginawa yan and respeto yun sa mga magulang.

Im 23weeks pregnant .. Saakin di masyado naging prob ang pagiging buntis ko kasi before pako mabuntis kasmaa kuna partner ko sa province . And support lang talaga sila , although bunso ako kaya siguro di nila magawang magtampo sakin .. eversince namn di ako naging disappointment sakanila kasi nagwowork namn ako dati di ako pabigat . Hehehe nung nalaamn nila todo alaga na sakin sila mama .. sinasabi nya sakin mga food na wag ko kainin ng sobraa and dapat more on masabaw ako , nakakatuwa hehehe proud lola to be talaga ., and si papa ko lagi nagluluto ng gulay for me .. blessed lang talaga ako kasi sila ang parents ko 😊🤗

same situation. almost 9 weeks na ko bago nmin masabi sa parents ko na buntis ako. expected nila magppnp ako this year. mgagalit lang sila sa una pero matatanggap din nila kapag tumagal. tanggapin mo kung ano sasabihin sayo ng parents mo kasi alam ntin na may mali din tayo pero pag tumagal iispoiled ka pa niyan lalo na kapag natanggap na. ako kasi halos palayasin ako ng tatay ko nung nagsabi ako although nasa right age na ako. nagulat lang sila kaya gnun. mas maganda din na magsabi ka habang maaga lalo na kung first time mo magbuntis para matulungan ka din ng parents mo sa mga gagawin at masabi sayo ang mga bawal.

Tinago ko for almost 5months bago nila nalaman lahat, si mama una nakapansin lumalaki daw yung tyan ko tas one time naglalakad kaming dalawa tinapat nya ako, Buntis kaba? nung una denial pa ako pero sinabi ko rin yung totoo, Expect mo ng madidisappoint sila. Malaki rin expectation ng family ko sakin lalo na Board passer ako at expect nila mag aapply na ako ng work, but here i am 26 weeks pregnant. Hehe Tinanggap nalang nila, kasi nanjan na daw. Pero hindi pa huli ang lahat sis, pwdeng pwde pa naten mapursue yung dream naten at makakabawi din tayo sa mga magulang naten. Hehe SKL God bless! 😇😊

fresh grad lang din ako nun pero nagwowork na nung nalaman kong 5 months na pala akong preggy. Nagpasama ako kila mama at lola para magpacheck up dahil kinakabahan ako baka may tumor na ako pero may pakiramdam na kong preggy na ko nun. Buti na lang supportive parents ko at andun din ang boyfriend na asawa ko at masaya siyang pinanagutan ako. kung kaya mo naman ipaglaban at kaya mong buhayin anak mo, go lang! Mas malaking kasalanan kung ipa - abort. Ngayon sobrang tuwa tuwa ang parents ko kase nakakatulong na ko sa kanila. Nakadagdag pa ko ng saya sa kanila sa apo nila. God bless you!

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles