FTM, CS at 40 weeks 1 day

Meet my baby girl, Avery Gabrielle Fajardo. EDD: February 29, 2020 Makakapag share na rin ako ng birth story. Lagi kasi ako nagbabasa dito and napaka helpful nitong app na to pati ng mommies na members dito :) February 29, 2020 40 weeks. Nag pasama ako sa kapatid ko sa Marikina OB Gyne clinic para mag pa BTS and NST. 1.3k php and mga 1 hr 30 mins din bago ko natapos. Since 3pm pa naman si OB sa Marikina Valley, nagpagupit muna ako at nagpa manicure yung kapatid ko. Suhol kumbaga sa pagsama niya hahaha. Punta na kami check up, IE na parang fisting hahaha masakit pota tapos 1cm pa din same nung visit ko previously. Nirecommend niya na iadmit na ako to induce labor kasi pag pinatagal baka magpoop si baby at makain niya pa. Iniiwasan namin magka infection. Bale, tawid sa kabila punta ER then diretso na sa labor room. May IV ng oxytoxin pampahilab, minomonitor yung heartbeat ni baby may nakakabit saking anek anek. Wala akong nararamdaman na masakit or hilab. Basta magalaw lang si baby. Puro movement. Kumbaga nasa left side yung heartbeat, maya maya gagalaw nasa kanan na. Kailangan imove yung nakadikit na pang heartbeat hahaha Nagsimula yun 5pm then fasting na, walang food or water. Huhu. After 3 hrs, pinatigil yung pampahilab dahil humina daw heartbeat ni baby baka di niya bet yung gamot. So continue monitor lang kami, at nagiging okay naman. Sabi ni doc, ipahinga lang saglit then kakabit ulit yung pampahilab. At around 2am, nag IE siya at 2cm palang ako. Sabi ni OB kung mag cs na daw kami by 5am or pwede pa maglabor ako hanggang kinabukasan kung dadami yung cm. Hahaha. Sabi ko, doc baka naman bukas mag 3cm palang yan ayoko na mag cs nalang tayo kung dun rin naman papunta hahaha. Sabi ni doc, labor is patience daw at hindi ako patient wahaha. So balik siya 5am, ready to cs na ako kaya lang eto naman katabi kong 6cm na eh bumaba ang heartbeat ng baby. Kailangan na daw ics kasi walang pampahilab nakakabit sakanya pero dropping ang heartbeat ng baby niya. So sabi ko sige doc unahin mo na muna siya. (it turns out nacord coil pala baby niya) Tapos 1 to 2 hrs daw yung operation. Sabi ko doc, nauuhaw na talaga ako baka naman? Hahaha. Sabi niya, sige gusto mo kumain at uminom ka muna. Light meal daw. At 2pm niya nalang ako iccs. Edi sige ako naman tuwang tuwa. Kasi uhaw is real talaga pati gutom parang naawa ako kay baby kanina pa kami naka IV. Naka idlip lang ako pa isa isang oras. Tapos late si doc, kaya mga 3:30 na siya dumating. Epidural done, tapos operation na. Yung pakiramdam pala non is painless, yes. Pero para kang may TV static sa buong katawan tas di mo magalaw. Yung feeling ng namamanhid na legs tas ayaw mo igalaw. Ganern! May nakatakip na mga tela kaya di ko nakikita pero nararamdaman ko yung movements ng kamay nila. Sabi ni doc, sige nakaka antok to tulog ka muna gisingin kita pag may baby na. Ayon di ko na narinig iyak ng baby ko, basta napicturean pala kami ng ganito kasi parang 1 sec lang ako nagising then nakatulog ulit bigla. Pag gising ko nalang ulit, tinatahi na ako at nilipat na sa recovery room. Nakakatawa kasi sabi ni doc ang laki ng baby mo! Saan natin ipapasok ng preschool ito? Hahaha. Kaya daw baka hindi siya bumababa at nag oopen cervix kasi di daw siya kasya sa sipit sipitan ko. 4.2 kg ba naman eh hahaha 5'7" ako at malaki din tao papa niya so baka dahil ganon o baka napataba ko lang masyado si baby sa tiyan ko. wahaha at least healthy! ? Nakakatawa pa kasi tinry ilatch saken si baby pag gising ko sa recovery tapos iyak siya ng iyak. Akala ko wala siyang gatas na nakukuha, meron naman pala. Pagkasipsip konti, di na gumalaw. Aba si magaling, tinulugan ako hahahaha ayun tapos nasa NICU na siya habang ako nasa private room na nararamdaman nawawala konti2 ang anaesthesia :( Sobrang sakit pero sobrang saya. Magpapagaling ako para makauwi na kami after 4 days. Hehehe. Thank you sa pagbabasa po. Kaya natin ito mga mamshies.

FTM, CS at 40 weeks 1 day
2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Congrats po😍

Congrats po