33 weeks and 6 days pero bat ganun

Masyado po ba malaki si baby??? I have GDM po and never sinunod diet and di rin po ako nag blood sugar monitoring :( 2.6 kg na si babyyyyy nasstress po ako. 35 weeks na yung GA niya pero 33 weeks 6 days pa lang ako sa LMP... Is this normal??? Or mukhang ma iinduce? Para po sa mga nagsasabi na di ko inalagaan. Recently lang po ako nadiagnose with gdm. Yung una ko po na OB, hindi ako pinag ogtt. Buti na lang po may friend ate ko na nurse at pinilit po ako mag ogtt sa UST. Tsaka kalilipat ko lang po ulit sa QC, originally from paranaque. Nakakachat ko pa OB ko na una, sabi niya po ay NORMAL ang results ko and no need mag diet. Pero nagalit po mga OB sa UST kasi tanga raw una ko na ob :( 29 weeks na po ako nung nalaman na may gdm. Nagtest po ako kasi diabetic mommy ko... Sabi pa po ng dietician eh baka di maagapan pero try pa rin daw.. ng dahil sa lockdown, di na po ako nakapag follow up sa UST. Sabi rin ng una ko na OB na 30 weeks pa lang ako, mali raw computation at no need mag BPS. Buti di ako nakinig kasi feel ko malaki na si baby ? Swipe po sa next picture para makita po yung proof na sabi ng ob ko na normal pa and no need diet. Hays :(

33 weeks and 6 days pero bat ganun
31 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Pag buntis po talaga momy bawat kakainin natin dapat moderate lng,,kase natural lng na mag crave tayo sa masasarap na pagkain pero dapat alam natin na prutas at gulay lng ang da best๐Ÿ˜Š

Mamsh dalawang beses ako nag OGTT nung buntis ako, peru sabi ng OB normal talaga ang sugar ko at hindi ako diabetic. Peru yung baby ko 3kgs @33 weeks. Lumabas si baby na 4.15kgs @38weeks.

6y ago

Emergency CS po, triny po naming e normal delivery peru di talaga kinaya ang laki ni baby. FTM din po ako.

Dapat po hinay hinay sa kain momsh kasi mahihirapan ka manganak pag malaki si baby, madali naman po magpalaki ng baby pag nasa outside world na siya.

6y ago

Nagtaka ka pa na lumaki ng ganyan yung bata eh pasaway ka at hindi ka sumunod sa diet. Sasabihin mo pa di mo mapigilan ang sweets, di mo ba talaga kaya magsakripisyo para sa anak mo? Hindi ja pwedeng iinduce kasi preterm pa yung baby at hindi pa matured lungs nyan for sure.

diet ka na lang po. ako po kase pasaway lumabas baby ko 3.1kg po. sweets din lagi hanap ko buti na lang talaga normal sugar ko sa result

6y ago

Maagapan pa po kaya mamsh? :(

Ang laki nya na mommy makinig ka sa pangalawa mong OB mukang mas accurate sya mommy. Saken kasi yung baby nung lumabas 39 weeks 2.7 sya

6y ago

Hala totoo po ba :(( bakit ganun ang laki nga :(

Yung sakin naman, 35 weeks na din ako. Pero yung size ni baby 34 weeks palang, and 2.1kgs palang si baby. Ok lang kaya yun?

VIP Member

Ako sis kakadiet ko nung buntis ako 2.4kg lng c baby pag labas. Pero diet ka na lng din sis. Sa labas mo na lng palakihin c baby.

6y ago

Baka di na maagapan sis kasi late ako nadiagnose with gdm late rin naka ultrasound:(

VIP Member

diet kna lang sis.. paglabas mo nlang palakihin si baby konting tiis nalang lalabas nmn na sya.. onting wait nalang yan..

6y ago

Ang tanong po, maagapan pa po ba.... 33 weeks pa lang ako

Mine is 6.2 lbs. 36 weeks pa lang plus 4 days. Okay lang daw sabi ob kasi I will have a scheduled cs on my 37th week.

6y ago

Bakit po scheduled cs

Same lng din sakin dati pero di na nag change hnggang sa lumabas na si baby. Ok lng nmn yan

6y ago

May