my son, my angel

Masakit ang lokohin ng asawa. Masakit mawalan ng anak. Pero may mas sasakit paba na mawalan ng anak dahil d mu natanggap agad un panloloko ng asawa mu para pati pagbubuntis mu sobrang naapektuhan kaya d na kinaya ni baby. Galit na galit ako sa asawa ko. Galit na galit ako sa kabit nia. Pero galit na galit ako sa sarili ko dahil sana tinanggap ko na lang na niloko nila ko. Ginawa ko ang lahat para masurvive si baby. 1 month ako dinugo nagbedrest ako. Inum ng gamot at sinunod ang payo ng OB. Pero un emotional stress napakalala sakin. Gang sa natuyuan nko panubigan in 18weeks kaya d na kinaya ni baby. Un napakasakit maramdaman un unti unti lumalabas anak mu sa katawan mu ng wala ng buhay. Napakasakit. D ko alam panu ko kakayanin to. Kung kaya ki lang ibalik ang araw. Mas gugustuhin ko na tanggapin mawalan ng asawa. Dko akalain na bibitaw din sya sa dami ng pinagdaanan nmin magina. Daming dugong lumabas na nakayanan nia lagpasan. Napakasakit. Wala makakapantay sa sakit na mawalan ng anak

65 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Napakasakit talaga mawalan ng anak sis😔😔😔 pero isipin mo na lang na ang lahat ng bagay na ngyayari sa buhay natin ay kalooban ng Diyos.. sis matanong ko lang gaano karami dugo lumalabas sayo? Ngyn kasi ay dinudugo din ako dhil sa stressed😔

6y ago

1 month na para ako may mens. Minsan malakas pa at need ko magdiaper. May malalaki din lumalabas na buong dugo. Til 1 day kala ko ok na sya dahil nagstop na bleeding ko ng 3days cguro. Pero sa checkup ko nakita konti na lng panubigan ko. After 1day kusa na sya lumabas. Wala ako naramdaman sakit kundi un nakalabas na sya saka humilab ng grabe tyan ko. Dinugo ako ng sobra gang sa bumagsak din ang BP ko sa 80/40. Please wag kana magpakastress. Isipin mu si baby. Kung kaya ko lang ibalik ang araw sana mas nilakasan ko loob ko para sa anak ko. Pero huli na. Habang lumilipas ang araw lalu ko nararamdaman un lungkot, un galit, un konsenya, un pagkawala nia. Ang sakit sakit walang makapapantay sa sakit na nararamdaman ko sa ngayon.