Simpleng lalake

Hi mamsh, pag bigyan nyo muna ako magshare Ng konti, sobrang feeling blessed kasi ako sa asawa ko :) First wedding anniversary namin kahapon, simpleng date lang kami at Kain sa labas pero feeling ko pinag pala talaga ako ni Lord after ng mga pain ko in the past. 4 years na kaming nagsasama Ng asawa ko at 1 taon Ng kasal. We have been friends since high school pero Hindi kami attracted sa isa't Isa, as in Wala. Tropa Lang kami, pare parehas kaming may karelasyon nun. Tapos dumaan kami sa problema, sya sa pag aaral nya nun, ako Naman nabuntis ako at iniwan. So nagkalayo na kami Kasi lumipat sya ng manila para mag aral ako Naman work work para sa baby ko. After 2 years nagkita kaming magtotropa para mag hiking, dun na nagsimula ung parang may kakaiba sa kanya parang naiilang sya sakin e Hindi Naman sya dating ganun. Hanggang sa nanligaw na sya at naging kami. Fast forward. Eto 9 weeks preggy na ako sa anak namin, I had a miscarriage last year Kaya alagang alaga nya ako ngayon. Sobrang blessed ko sa kanya Kasi Mahal na Mahal nya kami Ng panganay ko, sya Ang kinikilalang ama Ng anak ko Kasi Bata pa sya ung nakagisnan at never naman magparamdam ung ex ko sa anak ko. Ung tipong pag dating Ng 13th month nya sya pa ung nakaisip na bilhan Ng bagong sapatos ung panganay ko Kasi daw Luma na ung shoes, bilhan daw bagong damit at pantalon Kasi aattend mg Christmas party si kuya, (5 years old, kindergarten) tapos nasa akin ATM nya, nahingi Lang 100 baon araw araw sa work minsan 150 pag magpapagas sa motor. Tapos pag off nya tinutulungan pa ako maglaba, kulang na Lang Hindi na ako pahawakin Sabi ko Kaya ko Naman Kasi may washing Naman kusot kusot Lang ako sa washing tapos sya magbabanlaw at sampay. Sobrang bait sa pamilya ko. Sobrang galang sa magulang ko. Sobrang mapagmahal sa pamilya nya Lalo ngayon kamamatay Lang Ng byenan Kong lalaki. Sabi ko talaga perfect na Daddy sya sa panganay ko at mga magiging anak pa namin. Ngayon sasahod na Naman sya nagsabi na Naman sakin, bilhan daw namin Ng toys si Kuya, ung robot daw sa sm Sabi ko, pano ka? Wala ka bang gusto? Wala daw, simpleng lalaki lang daw sya, Basta busog sya araw araw okay na sya. Hayyyyy. Thank you Lord! Kahit gano kasakit at kahirap pinag daanan ko, may dahilan pala lahat, umiyak pala ako dati para patawanin at pasayahin mo Ng lubos ngayon. Share ko Lang po para mainspire ung mga tulad Kong iniwan before. May mga tamang Tao na itinadhana si Lord para sa inyo.. kapit at pray Lang..

2 Replies

Buti po sinuwerte ka sa hubby mo. Sana lahat ng lalaki ganan sympre pati lahat ng babae matino. Edi sana walang masisiramg pamilya sana. Maswerte din ako sa hubby ko.

Salamat po, sa inyo din po :)

wow mommy,congrats po & godbless always sa family nyo.sana po marami pang guy na kagaya ng napangasawa nyo 😊

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles