Hi mga miii pa rant lang po

Mahirap po ba mag alaga ng baby ng nakabukod kayong pamilya? Pansin ko kasi sa baby ko di siya sanay sa ibang tao kasi kami lang ng parents niya lagi niyang nakikita. Disadvantage ba yun pag nakabukod? Sa mga kagaya ko po, paano niyo po nasasanay si baby sa ibang tao? Ung hindi siya pipili ng kakarga sakanya? Gusto kasi namin bumukod para may peace of mind at may sarili kaming desisyon… kaso bka malungkot si baby kasi wala siya ibang nakikita bukod samen. Nilalabas naman namin siya ng bahay tuwing umaga at hapon..

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

mas maganda po nakabukod mhie for peace of mind. yung concern niyo po kay baby, natural po yun na nangingilala siya. usually sa parents lang po talaga gustong magpakarga lalp po sa nanay. pero maoovercome niya din po pagreach ng toddler years. tama din po paglabas labas niyo atleast naeexpose po siya sa labas. ganyan din po kasi baby ko dati nangingilala at umiiyak pag bago environment o madaming tao. medyo nagtatampo side ng family ko kasi ayaw magpakarga sa kanila ni baby dati. ineexplain ko na lang po na baby pa kasi siya at nangingilala kasi hindi naman sila madalas makita. pero ngayon okay na po. 2 years old na po mahigit anak ko.

Magbasa pa