Mahaba na yung buhok ng baby boy ko, malago at lagpas balikat na. Madaming nagsasabi na napupunta daw yung nutrisyon nya sa buhok imbes na sa katawan,totoo ba? Masigla at madaling matuto yung anak ko. D naman sya mataba,hindi rin payat. Sakto lang naman sa pagkakaalam ko at same body frame sila ng mga ate nya nung ganyang edad.
Nakakastress lang kasi pilit sila ng pilit na pagupitan ko na. Eh ayoko pa sana, natatali ko naman palagi. Hintay lang sana ng tamang time at papaputulan din naman namin ng asawa ko.
#BreastfeedingBaby #babyBoy #14monthsold
#longhair #breastfeeding