NEW CONTEST: BiDa Woman

Magkaroon ng chance na manalo ng P500 worth na SM gift pass! Para sumali, sundin lamang ang mga steps na ito: Click “Participate” in the contest page. - Pumunta sa photobooth section at magupload ng picture ng iyong female inspiration (maaaring kamag anak, kaibigan, artista, karakter sa pelikula o teleserye) at ilagay sa caption kung bakit ka niya naiinspire. - Ang iyong uploaded photo ang magsisilbing entry sa contest na ito. - Likes and comments on the photos are not necessary, but are appreciated. Submission of photos ends on March 19, 2020. Basahin ang iba pang detalye dito: https://community.theasianparent.com/contest/bida-woman/409

NEW CONTEST: BiDa Woman
51 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

“Ang buhay ng bawat dakilang ina ay nagpapaalala sa atin ng kanilang pagmamahal at walang hanggang pagsasakripisyo upang mapalaki ng maayos ang kanilang mga supling. Ang bawat magulang, partikular ng mga ina ay walang hinangad kung hindi ang magandang kinabukasan ng kanilang mga anak bilang mga bagong tao na sa hinaharap ay gaganap ng mahalagang papel sa lipunan.” ETO LANG NAMAN ANG INSPIRASYON KO ANG NANAY KONG NAPAKAGANDA 💕😊 Sa siyam na buwan na ako’y nasa kanyang sinapupunan inalagaan niya ako at ni minsan hindi niya ako pinabayaan. Dala-dala niya ako nang may buong pag-iingat at pagmamahal. Hindi pa man ako lumalabas ay ramdam ko na ang pagmamahal niyang walang sino man ang makakapantay. Hanggang sa ako’y lumaki at nagkaisip siya ang nagsilbing idolo at inspirasyon ko. Sa bawat daan na aking tinatahak siya ang naging traffic light, na nagsilbing gabay kung kailan ako hihinto at kalian ako didiretso. Hindi man siya marunong umukit ng walang pormang kahoy o bato, pati na rin sa paglilok ng mga marmol na tao ngunit daig pa niya ang isang dakilang iskulptor sa paghubog niya sa aking katauhan. Siya ang band aid ng mga sugat ko sa buhay. Isang ngiti niya lang sa akin alam kong maaayos din ang lahat. Sa tuwing ako’y madadapa siya ay andiyan upang ako’y tulungang tumayo. Para sa kanya masaktan lang siya huwag lang ako na anak niya. Bawat sakit na nadarama ko alam kong dobleng sakit para sa kanya. Sa tuwing ako’y umiiyak siya’y nagiging tissue na nagtatanggal sa mga luha ng aking mga mata. Nagiging tsokolate upang gumaan ang aking pakiramdam. Bawat pagkakamali ko’y siya’y nagiging pulis at abogado. Pinaparusahan at sinisigurong hindi ko na uulitin ang pagkakamali katulad ng isang pulis ngunit sa bawat sitwasyon siya ay palaging nasa aking panig katulad ng isang abogado. Ang mga pagsubok na napagdaan ko hinding hindi ko iyon malalampasan kung hindi dahil sa kanya. Sa mga bagyong dumating sa aking buhay siya ang nagsilbing araw na nagbigay sa akin ng pag-asa upang ipagpatuloy ang aking nasimulan. Siya ang aking milagro sapagkat sa piling pa lang niya ay ligtas na ako at bawat haplos niya ay ayos na ako. Kailanman ay hindi siya nagtanim ng galit sa akin kaya masasabi kong para siyang isang santo. Minsan ay may tampuhan pero wala namang perpektong relasyon sa mundo dahil hindi perpekto ang tao. Sa labing pitong taon ko dito sa mundo iisang tao lang ang alam kong hinding hindi ako iiwan at mananatiling tunay kong tagahanga na habang-buhay na susuporta sa akin sa kasiyahan man o sa kalungkutan. ang aking dakilang ina. Hindi man siya ang pinakaperpektong tao sa mundo hindi naman siya nagkulang sa pagpaparamdam sa akin bilang ina na mahal niya ko. ❤

Magbasa pa
Post reply image

Ang female inspiration ko ay ang aking mama, dahil sa kanya nilakasan ko ang loob ko. Sobrang buti nyang ina sa akin pati narin sa mga kapatid ko. Yung tipong pagkaen nya na sana pero ibibigay pa sa amin wag lang kami magutom. Naalala ko dati wala kaming makain talaga noon, gabi yon, kalahating baso lang ng bigas nilugaw ni mama 5 kami magkakapatid that time pinaghati hatian namin yung lugaw. Si mama di na nakihati at busog pa daw sya naawa ako sa kanya non kasi araw araw sobra sobrang sakripisyo na ang binibigay nya samin. Kaya ayun hinatian ko sya ng lugaw ko sabi ko nagkape na naman ako kaya di ako masyadong gutom. Pumayag sya at naiyak nalang ako ng patago kasi halata kay mama na gutom at pagod tlaga sya kakahanap ng bigas na makakain namin. Sobrang sipag din nya to the point na kahit may sakit sya ay kumakayod padin sya para saming magkakapatid. Balang araw gusto kong magsuklian lahat ng sakripisyo nya sa amin. Sya ang inspirasyon ko at ngayon na magkakaanak na din ako gusto kong gayahin sya para balang araw ako din ay maipagmalaki ng anak ko. Mahal na mahal kita mama hintayin mong makabawi kami sayo ng mga anak mo😘

Magbasa pa
Post reply image

Magandang gabe po! My Inspiration ofcourse is my to kids, i grow up well na i had no mom or no dad beside me. May times na i will go to them for help before but busy na sila sa kanya kanyang buhay nila at tila ba wala na silang pake saken. So ako eto nabuntis agad at a young age thank God never nag cross sa isip ko na ipalaglag ang bata kaht na i was young back den. To make the story short sobrang dameng problem struggle sa buhay and i have no one to run to always 😭 and i would just cry alone and isipn na mag pakamatay at mamatay nalng sana ako. Den i would think again na kailangam ako ng mga anak ko kaya kailangam ko lumaban. Kaya i know what i have become is bcoz of my to boys without them im sure na wala na ko dito ngaun. Wala nakong dahilan para mabuhay pa. And i will forever be happy and proud to be mommy nila ❤️

Magbasa pa
Post reply image

sobrang naiinspire ako kay ms.mariel rodriguez padilla.. dahil sa pagpapahalaga nya sa pamilya nya...katulad ko din sya na pagdating sa usapang pamilya napaka weak ko jan lagi din ako umiiyak o naiiyak basta pamilya na pinaguusapan... para sa akin malaking tulong sya sa pang araw2 na buhay ko at na aapply ko sa buhay ko at sa pamilya ko ung mga natututunan ko saknya sa mga vlog nya... same kami na may 2 little kids na din 2year old girl and 8months old baby boy ung sakin... prayers ko lagi na ung 2 anak ko ay malusog at masigla ung wag magkakasakit...sabi nga sa isang kasabihan "di bale nang mahirap wag lang magkakasakit..." yun lang masayang masaya na ko bilang isang magulang... sana po mapili nyo po itong sakin...malaking tulong po ito para sa mga anak ko... thank you and Godbless po.

Magbasa pa
Post reply image

Ang female inspirational ko ay ang aking anak , siya ang dahilan kung bakit patuloy akong lumalaban sa hamon ng aking buhay sinasabi nila dati na ang aga ko daw mabuntis malandi daw ako, pero hindi nila alam lahat ng pinagdaanan ko lahat ng sakit na dulot sa akin ng aking pamilya , alam nyo ba binalak kong ipalaglag yung anak ko kaso hindi ko kaya kasalanan na nga yung ginawa ko tapos dadagdagan konpa ng isa pang kasalanan , kaya minabuti ko na lang na tanggapin na lang at nung lumabas siya labis akong natuwa na kahit ganto ako at least masasabi ko na may anak ako na mabait at hindi ko ito pinagsisisihan . IloveYou anak mahal na mahal ka ng mama ang hiling ko lang ay ang araw araw na kaligtasan mo at kalusugan mo . Oky na ako dun dahil sayo kaya ako nagsisikap

Magbasa pa
Post reply image

#Mylovelymom❤ Una palang siya na ang tumulong sakin nung ako'y naging single mom parents lahat ng need namin pag alam niyang walang-wala ako siya nagbibigay para sa son ko hanggang ngayon hindi pa rin niya ako pinababayaan kahit may pamilya na ulit ako alagang-alaga niya ako lalo na may second baby na ulit ako at babygirl lahat ng gusto ko binibigay niya siya din naging sandalan ko sa lahat ng problema ko lahat ng problema ko tinutulungan niya ako masolve mahal na mahal ko ang nanay ko sobrang proud ako siya naging nanay ko kahit maingay siya working hard si nanay para sa parangap niyang magandang bahay at kami nasa tabi ay super supportive lahat gagawin din niya para sa mga apo niya.😘#lovemom #happy

Magbasa pa
Post reply image

She is my Bestfriend , my ate , my workmates , my Baks and my Idol , at the age of 22 siya na ang tumayong Nanay at provider sa pamilya nya mula ng mawala ang lola nya , May 5 syang Kapatid at Nanay na pasaway dahil sa Bisyo , Pero sa galing , sipag at tiyaga nya ngaun 27 na sya may sasakyan , nag papa aral ng kapatid at May bahay na siya na nakapangalan sa knya Im so proud of her kung anu man ang narating nya ngaun dahil sa kabutihan ng puso nya.. Take Note isa siyang Pastora sa age na 26 na ppreach na sya sa mga Christian Church at nag sshare ng wisdom at Knowledge about Kay lord.. Lodi ka Friend. Love you💕😊👍🥰

Magbasa pa
Post reply image

Inspiration ko ang aking Anak. Dahil sa kanya nagbago ang mga pananaw ko sa buhay. Pinipilit ko ngumiti kahit may sakit ako. Kaya ko di matulog buong araw, mabantayan lang sya pag may sakit, kaya kong pahabain ang pasensya ko kahit maraming rason para magalit na ko. Binago nya ko ng sobra, sa lahat ng taong nakapalibot sa akin. Ang masasabi ko, tanging Anak ko lang ang nakapag Brings out the best in me. Sya lang ang naniniwalang mabait akong tao. She's my strength and she's my weakness. She's my no.1 fan. And she believes in me. She makes me proud of myself Kaya sya lang ang inspiration ko, at wala ng iba. Sya ang anak ko

Magbasa pa
Post reply image
VIP Member

My #BidaWoman. Nagbbigay inspiration sakin at kalakasan. Sobrang strong. Ang hirap ng pinagdaanan nya ngayon, nawalan ng ina at asawa. Pero kahit ganun nilalakasan nya loob nya para maging okay ang lahat sa family. Lalo na ako na mas iniisip nya ang kalagayan namin ni baby, inaalagaan kami. Nagpapakita ng lakas ng loob para hindi kami panghinaan. Flex ko lang si mama na sobrang strong. Excited na sya sa baby ko, mapapalitan ng saya yung mga sugatan naming puso sa pag alis ng mga mahal namin sa buhay. Sabi nya nga pag may umalis may darating. We love you so much mama.

Magbasa pa
Post reply image

My female inspiration is my beloved mother..Lahat ng ginagawa ko ngayon bilang isang nanay sa anak ko ay dahil sa mga natutunan ko sa nanay ko..Sya ang inspirasyon ko para maging mabuti akong nanay sa anak ko..Kung pano nya kami inalagaan,minahal at pinalaki,yun din ang gagawin ko sa anak ko at yun din ang gagawin ko sa kanya ngayong nagkaka-edad na sya..Ibibigay ko din sa kanya ang pag-aaruga at pagmamahal na ibinigay nya sa akin nung bata pa lang ako hanggang sa ngayon na may sarili na akong pamilya..Love you 'Nay😘..Advance happy birthday❤️❤️

Magbasa pa
Post reply image