Depressed Mommy ?

Long post, sana po wag ako mabash. Nun October 11, nawala yun mother ko. At that time mga 27 weeks na ata ako. Na ospital sya nun Sept 25 tapos nagtuloy tuloy na. Naoperahan sya twice pa kasi nagkabutas un intestines nya at may myoma sya na di namen alam. Sobrang sakit na makita na ang daming nakakabit sa kanya na tubo at her age of 74, dapat di nya un naranasan. ? Nawala sya sa amin nun Oct 11. Mula nun naospital sya di na ko nakapagpacheck up kasi only child ako. Ako nag aasikaso lahat. Though pinapauwi ako ng mga nurses sa ospital pag gabi na nun naconfine sya, kahit gustuhin ko man na bantayan sya, hindi pwede kasi buntis ako. Umabot bill namen ng almost 600k kaya sobrang stress ako at yun partner ko. Kung kani kanino kame humingi ng tulong para lang sa hospital bills nya. Di na kame makalipat public kasi walang tumanggap sa amin na public hospital sa critical na condition nya. Binenta namen tricycle namen na pangpasada. Muntikan na pati un paupahan naman e isangla ko. Kaso sya na din ang bumitiw. Hanggang ngayon, sobrang sakit pa rin sa akin. Sana po wag nyo ko ibash pero ang nararamdaman ko, bakit parang kapalit ng baby ko e yun buhay ng mother ko? Bakit kelangan ko mamili sa kanilang dalawa? Can't I be happy na andito sila both for me? Kine question ko minsan ang Diyos kung bakit kung kelan pa ko manganganak, saka pa nagkaganito. Mula nun namatay un mama ko, nawalan na ko ng gana kay baby. Dati everyday ako nagbabasa dito sa app na to para lang matuto kasi excited talaga ako, kame dito, na magkakababy na ko. Hanggang ngayon, di pa ko nakakabalik sa OB ko. Di ko na naiinom mga vits na binigay nun OB lalo na nun nasa ospital ako kasi iyak din ako ng iyak. Dapat bago sya naospital e scheduled na ko for OGTT at urinalysis kasi may UTI pa rin ako. Hanggang ngayon, di ko pa rin nagagawa. I'm already at 30 weeks. ? Nawalan ako ng amor sa anak ko. Sa tuwing iniisip ko na magiging ina na ko, ang unang iniisip ko, pano pa ko magiging nanay nito e wala na si mama na magguguide sa akin? Syempre kahit na in good terms kame nun inlaws ko, iba ang kalinga ng sariling nanay. Miss na miss ko na si Mama, kasama namen kasi sya sa bahay. Ramdam ko ang pagkawala nya kasi tuwing umuuwi ako galing office, (midshift kasi ako, 11:30 uwi ko) hinihintay nya ako. Ngayon, wala na ganun sa akin. Dapat ikakasal na din ako nun Oct 10 kaso di din nangyari. ? Ngayon, gusto ko sabihin sa partner ko na pagpakapanganak ko, umuwi muna sila ni baby sa province nila at ako, balak ko mag abroad na lang. Gusto ko talagang lumayo muna, baka sakaling manumbalik un dating ako. Di ko alam kung kaya kong mahalin un anak ko kasi alam kong durog na durog talaga ako ngayon. ? Gusto ko lang po talaga ishare kasi tuwing mapagiisa ako, umiiyak na lang din ako. ??

13 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Isipin mo na lang, everything happens for a reason. Madaming bagay ang hindi natin mapaliwanag bakit kailangan mangyari pero sooner or later maiintidihan mo bakit mo pinagdadaanan yon and it will surely make you stronger. Be strong!

VIP Member

Kaya niyo po yan. Kailangan po ☺ just pray nlng po. D po kayo papabayaan ni God

5y ago

Ako kahit maaga ako magkakababy pinipilit ko mag tiwala sakanya. Kasi lahat tayo binigyan ng kanya kanyang challenge ni lord. Tiwala lang tayo sakanya ☺godbless satin☺

Kapit ka kay Lord momshie. Yung naiisip mo.. Ung pagkawala ng amor sa baby gawa ng devil yan kasi yan ang inilalagay nya sa mind mo para mapasok nya heart mo para magkaroon ng galit jan sa puso mo. Try to concentrate and alamin mo ulit sa puso mo tingnan mo sa puso mo ulit ang gusto mo kasi yan heart natin ang pinanghahawakan ni God. At yan ang ndi kaya pasukin ng devil ang puso natin so para masira nya laman ng puso natin dumadaan ang devil sa mind. Kaya mommy I ask you tingnan mo ulit laman ng puso mo and pray po. Si God never natin maiintindihan ang plans nya. Iba xa mag isip sa atin. Everything happens for a reason. And un nga po very serious si God pag sinabi nya "do not lean on your own understanding" Irelease mo lang mommy... Surrender everything to Him. Magiging ok ka. Sa tuwing magulo ang isip mo balikan mo ang puso mo.

Magbasa pa