Live in kami dati nung nalaman ko na may cyst ako sinabi ko naman sa kanya pinakita ko transviginal ultrasound ko una natakot sya baka daw malala na kaya pinagpahinga nya muna ko kaso hindi kaya kasi may work ako buti nalang mabait manager ko hindi nya ko masyado pinapagalaw sa work sa kaha lang ako.
Dumating yung time na sobrang sakit na ng puson ko naiiyak na ko sa sakit wala pa naman si bf. Kaya tinawagan ko bestfriend ko buti wala syang pasok sinabihan nya ko na magpahilot para lumabas yung dugo ayaw po kasi lumabas ng mens ko kaya masakit puson ko.
Natakot ako that time kasi sabi nila mabilis mabuntis kapag ganun nag aaral pa man din si bf.
Pero no choice ako nabanggit ko naman kay bf pero worry parin sya.
1st hilot ok sya lumabas na mens ko.
2nd ayun nagtuloy tuloy na umaayos mens ko.
3rd kasama ko na si hubby.
Tapos after 3months iba pakiramdam ko naninigas boobs ko tapos natatakam ako sa maasim. Pumasok ako sa work pabirong sinabi sakin ng manager ko na parang buntis daw ako kasi ganito ganyan.
Tapos kinuwento nya mga nararamdaman nya nung buntis sya.
Napaisip ako kasi halos ganun nararamdaman ko umuwe ako ng hapon bumili ako pt 2 ginamit ko pag uwe.
Una 1 palang line kaya hinagis ko nalang sa may lamesa maya maya kinuha ko suklay sa may malapit sa salamin napansin ko yung pt tiningnan ko ulit malabo na yung isa tapos isa malinaw kinabahan ako kaya nung madaling araw daw mas maganda ayun po 2lines na malinaw.
Tapos nung nalaman ni hubby gusto nya ipalaglag gagastos talaga sya para ipalaglag pero pinaglaban ko po hindi ko inisip yung sinabi nya na itatakwil.kami ng magulang namin tapos yung sasabihin ng ibang tao.
Hindi po legal ang pag lilive in namin.
Daming nangyare pero pinaglaban ko anak ko.
Tapos nung vinedeo ko si baby na gumagalaw sa tummy ko pinost ko kinabukasan ayun sinundo ako nagmakaawa.
Inuwe ako sa kanila tuwang tuwa lalo na kapag naririnig nya heartbeat ni baby kapag check up tapos palagi ako pinapa ultrasound ng ob kasi may cyst ako hanggang sa nanganak ako.
Sinabi nya sa anak namin.
Laking pasalamat ko anak sa mommy mo na naging malakas nung pinagbubuntis ka kaya ngayon may isang napakagandang anghel si daddy.
Ngayon po napakaarte nya pagdating sa anak namin.kasal narin po kami.