*Late post* / *very long post ahead* ?
3 days induced labour di naman masheket ??
Friday, Nov. 15, naka schedule ako mag pa BPS. I was 37 weeks 1 day that time and my EDD is Dec. 5. After the session, tinawag ng sono ko yung senior niya na OB-Sono. Everything was fine until they double checked my amniotic fluid. And that's when the OB-Sono told the other Sono "pa admit mo na, pa induced mo na. Konting konti nalang tubig niya" And I was like whaaaaaaaaattttttt?!?! Tapos tinanong ako ng Sono ko kung may dala na raw ba akong gamit, medyo nabingi mama ko sa tanong na yun hahaha (and she's with me kasi during the UTZ). Syempre sabi ko wala although 37 weeks na ako wala pa talaga ako nararamdaman na lalabas na si baby anytime that week. So end shot na admit nga ako that day at inumpisahan na nila ako turukan ng IV at painumin ng kung anu-anong pang induce. Syempre naka monitor ako via Contraction Stress Test. Ang uncomfortable mga momsh promise di ka makagalaw. Forever lang ako nasa kama. Kahit pumunta sa cr bawal. Kung iihi ka bed pan bed pan lang ang labanan! Hahaha. Tatanggalun lang nila yung pang monitor kapag kakain ako. Anyways, base sa kanilang monitoring ok naman ang heartbeat ni baby at ang contractions ko. In fact ang lakas daw ng contractions pero wala ako nararamdaman na kahit anong pain. Sabi nga nung isang nurse "well ok yan wag tayo magreklamo" at hindi talaga ako nagreklamo dahil baka biglang sumakit ?.
Saturday, Nov. 16, 2nd day of my induced labour ganun parin. Everything's fine, good heartbeat, good contractions and still no pain. Yun nga lang close cervix parin ako. Sobrang bagot na bagot at ginaw na ginaw na ako nun. Nung kinagabihan, in-IE ulet ako at 2cm palang.
Sunday, Nov. 17, 3rd day of my induced labour ganun parin ang kwento. Parang nanghihina na ako sa sobrang lamig tapos wala pang lakad lakad. Nung kinagabihan ayan na, medyo may nararamdaman na akong pain pero tolerable naman. Then nung in-IE ako 4cm palang! Thought baloon ko "sa buong araw 2cm lang binuka ng cervix ko?!" Then as the night goes on ayan na pasakit na siya talaga ng pasakit. Lahat na ginawa ko para malibang (including this photo ?). Ako lang mag isa sa labour room kasi pinauwi ko na muna mama ko since she's not feeling well. Grabe umaaray ako mag isa sa kwarto dedma na kung para akong baliw haha! Then I noticed na parang napapadalas na pasok ng mga nurse/doctor to adjust the apparatus na naka kabit sakin so I asked why. Sabi nawawala wala raw kasi yung heart beat ni baby maybe because nagagalaw daw yung nakakabit sakin since medyo magalaw na ako dahil sa sakit.
Monday, Nov. 18, at 3am in-IE ulit ako at 5cm palang! Sobrang sakit na talaga! By 6am pinuntahan ako ng doctor at sinabing ic-CS na nila ako kasi everytime daw na nag co-contract ako bumababa o bumabagal yung heartbeat ni baby. By 8am I was on my way to delivery room (infairness nagawa ko pang mag text sa mama ko habang tinutulak papuntang DR hahaha!) 8:53am baby out na ? Hindi ko talaga inakalang ma c-CS ako dahil sinet ko na yung utak ko na kakayanin ko ang normal. Pero para talaga kay baby dedma na kahit mahal at midline cut pa yan go na mailabas lang siya ng ligtas. Kahit bangag bangag pa ako nung ilapit na sakin si baby nalimutan ko lahat ng sakit, pressures, heart aches, takot, pagod na pinagdaanan ko during my pregnancy.