I forgot to empathize with the feelings of my 3 year old son
Last Saturday, biglang nilagnat ang 3 year old son ko and nung Tuesday, upon check up and laboratory,nalaman namin na meron siyang UTI. Just a quick back story, ang anak ko is super dalang lang talaga magkasakit sa awa ng Dios, mapalagnat man, ubo o di kayay sipon. Kapag nilalagnat siya kadalasan after 24 hours okay na siya (without taking medicine), since niluluwa niya and struggle talaga namin ang part na yan. Ginagawa namin dati is sponge bath lang at awa ng Dios mabilis naman mawala lagnat nya. Sa ubo at sipon naman mahaba na ang one week sa sipon at ubo niya. Mabilis lang talaga siya gumaling sa awa ng Dios. But last Saturday was different. Bandang 3pm habang natutulog siya, sobrang init niya nung nasagi ko yung arms nya. Akala ko sa panahon lang kasi sobrang init din naman talaga. Kinagabihan,mainit pa rin siya at umabot ng 38 point something ang temperature nya. Sponge bath pa rin ginagawa namin (though lagi akong may stock ng gamot), bumaba naman agad lagnat niya kaya naging kampante ako. Kinabukasan, okay na siya naglalaro na ngunit kinahapunan nilagnat na naman ulit. Same scenario sa Monday kaya pinainom na namin ng gamot. Talagang ayaw niya kaya napipilitan kaming hawakan siya para makainom lang ng gamot. Panay iyak din siya dahil masakit daw tiyan niya. Okay naman yung poop niya at hindi rin nagsusuka. Yun lang talaga, mataas na lagnat at masakit na tiyan. By Tuesday, dinala na namin sa pedia and after laboratory nakita nga na mataas daw infection nya. Sabi ng doctor probably sa diaper which is sa gabi lang siya nagdadiaper at sa iniinom na juice (c2 laging binibili ng parents ko recently para sa kanya at sobrang guilty ako sa part na yan kasi hinayaan ko). Antibiotic ang nireseta ng doctor for 7 days at tuloy lang din daw pagpapainom ng paracetamol if mataas pa lagnat niya, so ayun na nga kinagabihan ng Tuesday, since mainit pa siya, pinainom namin siya ng paracetamol at ayun pa rin, lakas ng sigaw niya at maraming humahawak sa kanya para lang makainom. After an hour, yung antibiotic naman pinainom namin kaya yung anak ko parang na trauma. Kapag kakargahin ko siya, agad siya nagtatanong ano daw gagawin namin, iinom na ba daw ng gamot at magpupumiglas, tatakbo sa kung saan saan , paikot ikot ganun. Masasabi kong napakatanga ko sa part na hindi ko man lang kinonsider na yung anak ko takot sa gamot, I should have talked to him at pinaintindi sa kanya na kailangan nya uminom, bagkos mas nag focus ako sa nararandaman ko. Everytime kasi na oras na para painumim siya ng gamot, nagpapanic ako at laging pumapasok sa isip ko is "eto na naman kami, pero kailangan. Dapat makainom siya ng gamot," yun lang lagi kong mantra sa utak ko. Kumbaga nag focus ako sa goal without considering the process na dapat hindi ma trauma ang anak ko. Na under estimate ko yung understanding capacity ng anak ko gayung lagi ko naman siyang kinakausap at mabilis siyang makaintindi sa isang sitwasyon. Nung Wednesday ng umaga, naisip ko another struggle na naman ng pagpapainom pero medyo okay na dahil hindi na siya nilagnat so yung antibiotic nalang twice a day. Nung napansin niya na hinahanda na namin gamot niya, nagpanic na naman siya at takbo kung saan saan. Nag start na rin akong magpanic at gusto ko siyang habulin, hulihin kumbaga at kargahin para mapainom siya but then biglang parang nauntog ako. Napaisip ako na hindi ito yung style na gusto ko, hindi ito yung parenting style na ini establish ko ng ilang taon sa kanya. Dahan dahan ko siyang nilapitan (nasa loob siya ng CR) that time,nagtatago sa likod ng pinto. Niyakap ko siya at talagang napaiyak ako sa sobrang guilt na nararamdaman ko sa nagawa ko sa kanya. After that kinausap ko siya ng mahinahon na need niya uminom ng gamot para i fight ng gamot yung mga bacteria sa tummy niya. I wasn't even surprised when he suddenly said in a soft voice, "Okay, mama," kasi parang deep inside alam at ramdam ko na maiintindihan niya ako. Kinarga ko siya at naupo kami (nasa lap ko siya), kalma na siya that time pero ramdam ko yung bahagyang takot niya sa gamot. Bago siya uminom nakiusap muna siya na hindi siya papahawak sa chin niya at sa arms at legs niya. After nun, peaceful na ang pag-inom niya ng gamot hanggang ngayon. Nagtatanong pa rin siya kung time na ba to take his medicine at sinasabi namin sa kanya ang totoo kung talagang time na para uminom. Kanina after nya uminom nilapitan ko siya, tinanong niya ako kung ano daw gagawin? Sabi ko ihahug ko lang siya. Medyo umatras siya ng konti at nagtatanong kung iinom na ba ulit ng gamot. Sabi ko hindi pa since kakainom pa lang niya. Parang ayaw maniwala kaya sinabi ko na "promise,hindi pa. Later tonight ulit tayo iinom ng medicine. Don't worry sasabihan ka naman ni mama. I won't lie, promise," tinanong niya ako "promise?" Sabi ko "yes" at dun lang siya nagtiwala na hindi ko talaga siya bibigyan ng gamot. Ang lessons na natutunan ko dito is never underestimate your child's understanding. Maiintindihan at maiintindihan ka talaga nila kapag unahin mong intindihin ang emotions at sitwasyon nila. Never lie to a child kahit pa sabihing "white lies" iyon para mangyari ang gusto mo dahil there is no such thing at magko cause yan ng damage sa bata in the long run. I still have this guilt feeling until now pero kahit papano thankful pa rin ako na agad agad rin akong naumpog sa maling approach ko sa anak ko. Regarding sa health naman is wag pakampante talaga at as much as possible wag magbibigay ng processed drinks sa mga bata. Sorry mga mi at napahaba, I want it to be as detailed as possible.