39 years old 2mos pregnant

Lam ko masyado na akong matanda para magbuntis kaya nahihiya tlga ako. Tama po ba tong nararamdaman ko? naiistress din ako. Sa ngayon di ko pa nasasabi sa Mr. Ko at sa 2 kong anak (malayo din agwat ng edad nila).

33 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

blessing yan.. ako nga hiniling ko tlga na magkababy pa.. hiwalay ako sa una, at etong LIP ko, 15 yrs na kme, pero now lng kme nakabuo, kc gusto makatapos ng college lhat ng anak ko, sa awa ng diyos yung bunso na lng ang graduating sa college, may dlwa na ko engr.. Kaya ok na kung mag buntis ako sa age na 42.. sobrang naeexcite yung bunso ko, d cia makapaniwla na after 22 yrs mag baby ulit ako.. 38 wks na ko ngaun.. at anytime manganganak na ko.. wla ako gdm at high blood.. thanks God, maayos ang pagbubuntis ko.. Kaya blessing dn yan sau, be proud.. hnd lhat pinapalad na mag buntis sa ganitong edad.

Magbasa pa

I'm 40 na po this year and I already have a 6-year-old son. napagusapan naman po namin magasawa na sundan na ung panganay namin para may kalaro sya at matuturuan din nya. Wag po kayo mahiya just because of your age kasi meron nga po gustong gusto magkaanak kaso di pa nabibiyayaan at yung iba mat mga sakit. Let's accept it po with a grateful heart and believe that everything happens for a reason. We're still very blessed po to be given the chance to be a vessel of God's blessing. Ingat lang po lagi at iwasan mastress para sa family. God bless us all.

Magbasa pa

Ako po 38 y/o old 25weeks preggy sa aking second baby, mag10 y/o na yung panganay ko. kahit hindi kami nagsasama ng tatay ng baby ko hindi ko ito ikinahiya, proud at excited pa ko. worry ko lang mejo maselan ako dito sa bunso ko. nung 1st trimester lagi akong dinudugo dahil daw mababa placenta ko but thank God ok na ngayon. wag ka mahiya momsh dapat maging masaya ka dahil blessing yan ni God. Kelangan mo na din sabihin na agad sa mister mo para mapangalagaan kayong mag ina at iwasang maistress nakakasama yan kay baby. God bless you ☺️☺️

Magbasa pa

ang mommy ko nagbuntis siya sa bunso namin is 42 years old .. which is menupause baby po yun .. di po namin akalain na at the age of 42 tapos 3 years na din siyang menupause eh magkakababy pa siya ... blessing po yan satin na mga mommy ... lalo na sa mga katulad ninyo na kaunti lang ang anak ... sa ngayun 8 years old na ang bunso namin at 26 naman ako na panganay .. yung next naman po sakin na lalaki is 18 years old then 15 years old at 8 years old ... Wag po dapat ikahiya mga ganyan bagay .. blessing po satin yan

Magbasa pa

5 weeks and 6 days pregnant ako ngayon at kaka 40 yrs old ko lang nitong August. Meron akong anak na 19 yrs old na babae at 14 yrs old na lalaki. More than sa hiya yung worry ang naramdaman ko lalo na ng mga anak ko kasi may hypertension ako at diabetes plus nag pre-eclampsia ako sa kanilang dalawa. Pero ang sabi naman ng doctors ko basta bantay sarado ang condition walang dapat ipag-alala. Kaya mommy be proud sa blessing na pinagkaloob ni God.

Magbasa pa
2mo ago

Stay healthy and safe delivery po mommy!

TapFluencer

Hala Mommy bat nahihiya Po kayo maganda nga po Yan at your age Po eh may tatlong Anak kayo pahabol ba hehe.. kaysa minupose baby Yan Naman Po Yung nakakahiya diba hehe.kapitbahay nga Namin 40 nga edad Niya nong nagbuntis may pahabol pa na blessing kayo hehe.. Ang mas nakakahiya Dyan Po Mommy eh Yung Anak ka Ng Anak madami Ng Anak Bata pa tapos Wala pang pangkain sa mga Anak tapos umaasa lang sa magulang diba..

Magbasa pa

Bakit ka naman mahihiya mommy, may asawa at pamilya ka. Normal naman magka-anak, iyong nanay ko nga nagbuntis sa akin ng 39 at nanganak ng 40. Ayos naman lahat. Basta kaya niyo ibigay lahat ng pangailangan ni baby, walang masama diyan. Maninibago lang siguro kayo ksi malayo agwat sa last na anak. Wag po paka-stress kasi given the age, high risk pregnancy po kayo.

Magbasa pa

Wag mo isipin yan mi, ako po ay 43 years old today going 44 on dec, currently at 31 weeks pregnant for my 3rd child. My eldest is 17 yrs old, my 2nd is going 4 yr old, i had miscarriage last yr sa pang 3rd, then now is my 4th at 31 weeks... wag mo isipin na matanda na ang 39 mi. Mas madami mas older than you po like me hehehe...its a blessing remember.

Magbasa pa

Jusko, kung nasa baby ang isip mo wala kang pakialam sa sasabihin ng iba. Meron ngang nag bubuntis 45 yrs old , 48 yrs old, kung tawagin menopause baby. Bata pa po yang 39. Isipin mo baby mo dapat happy ka. Wag kang mag pukos sa sasabihin ng iba. Makakasama sa baby mo kung mag papastress ka lalo na 2mos ka palang, sobrang selan pa nyan baka mapano baby mo.

Magbasa pa

Okay lang po yan. Wag po kayong mahihiya. It's a blessing. Medyo mas mahirap nga lang siguro ngayon ang pagbubuntis kesa nung time ng mas bata pa po kayo. Feeling ftm ulit ang feeling nyan kaya enjoy po. Wag po kayo maiistress para kay maging healthy si baby. Pwede nyo na po yan sabihin kay hubby and sa mga magiging kapatid nya. God bless po. ☺️

Magbasa pa