Okay lang ba magkaroon ng lalakeng OB-Gyn?
Okay lang ba magkaroon ng lalakeng OB-Gyn?
Voice your Opinion
YES, trabaho lang naman.
NO, nakakahiya.

7368 responses

44 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

My first OB is male. Nakaka-reassure when he said they see many different vulvas in their jobs, and parang mukha lang daw yan, iba iba per person. Honestly reassured younger me na it's just like any medical check up, walang anything inappropriate. As a young woman back then, malaking bagay to hear that kasi maraming babae ang conscious about how their private parts look, including me. So when he said that, napaisip ako na there's nothing wrong with mine. If they're fully qualified, why not!

Magbasa pa
VIP Member

Mas prefer ko padin babae pero 1 time nung nasa health center ako, ini.e ako tas meron dun 2 parang practice nurse isang girl at isang boy medyo nailang ako pero mas nailang yung student hahaha. Hindi makuha kuha yung heart beat ng baby ko kasi nanginginig yung kamay nya pano nakabukaka ako habng nandun sha ๐Ÿ˜‚

Magbasa pa

For me, NO. Hindi nmn dahil sa gender equality pero kasi bawal rin sa religion nmin at sensitive kami when it comes to our bodies, bukod sa nkakahiya pinaninindigan lng nmin na yung asawa lng tlga namin ang nag iisang lalaki na dapat mkakita at hawak ng kepay nmin ๐Ÿ˜…

Kung pwde lang makapamili e kaso kung lalaki yong naka duty na ob wala kana talagang choice kundi bumukaka at umire, pg nglalabir kana wala kana kasi pakialam kung sinu sino na yong nasa paligid mo naririnig mo nlng mga boses nila ๐Ÿ˜‚

VIP Member

Ok lang. Sa simula nakakailang...pero nung makausap ko na c doc agad ako nagtiwala. Kc mabait at walang ka manyakan lolz. sa tuwing lalabas kami sa clinic niya ay nakatawa kami lahat kc joker c Doc. Kaya nung mag labor ako wala ng hiya hiya ๐Ÿ˜†.

my ob now is Male . my kaedaran na din so nevermind.. mabait at professional naman sya kausap ska lage ko kasama mister Ko mgpacheck uo so Ok lang๐Ÿ˜.

VIP Member

Mas caring po sila kesa sa babae, di lahat ng babae ah, pero sila kc iingatan ka nila wala ka maririnig na kung anong salita na mkakasakit..

Di ako makasagot. Kasi trabaho naman talaga yung pagiging OB. Pero nahihiya pa din ako pag lalaki ung OB ๐Ÿ˜…

VIP Member

dalawang lalaking nurse nga nag linis at nang bihis sakin after operation nung ma ECS ako hahaha

Siguro po, YES pero para sakin kase, nakakahiya kapag lalake. Uncomfortable talaga. ๐Ÿ˜