Electric Breast Pump gaano ka useful ?
Kapag po ba hindi na nakapag padede kay Lo ng almost 2mos. pero pag pinipisil mo yung dede mo may nalabas pa namang gatas tapos balak mo magpump gamit yung electric sa tingin nyo po mommy may posibilidad na bumalik kaya to sa dati na malakas. Humina kasi yung milk supply ko lagi umiiyak si lo kapag pinapadede ko kaya napilitan ako iformula milk. Manual breast pump pa lang gamit ko tapos wala pang 1oz nakuha ko kakapagod magpump inaabot na ko ng 1hr wala pang 10ml. Balak ko bumili ng electric pump. Effective po kaya yun for pumping. Kung halimbawang mabagal at kakaunti sa manual pero sa electric ba mabilis at madame makukuha? Sino po dito nakagamit ng electric breast pump ? Pashare naman po ng experience. Gusto ko lang ibalik yung breast milk ko kahit dina sya nadede sakin atleast gatas ko pa din yung dinedede nya. Iba po kasi talaga ang gatas ng ina walang papantay na kahit anong formula milk. Naging sakitin anak ko nung dina sya nadede sakin.