ultrasound

kapag po ba 5months na tapos sasabihin ng OB na baby girl pero ndi pa sure kasi nakatago ,may posibilidad ba na girl na talaga? need answer plss first time mom and gusto namin ng baby girl

11 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Same tayo mamsh. Ako nagpaultra ng 5 months ang sabi lang posibleng baby girl di masure kasi nakadapa. Tapos nagpaultra ulit ako ng 6 months sa ibang sonologist naman para maconfirm ko sana ang gender kaso ang sabi lang din malaki ang possibility na girl di pa rin maconfirm kasi suhi naman si baby. Pero malaki raw ang possibility talaga na girl yun lang need pa ng another ultrasound para maconfirm talaga.

Magbasa pa

Oo sis minsan hindi pa sure ako nagpa ultrasound ako una sabi posible boy parang may lawit kasi, tapos 5 months nagpa ultrasound ako girl nadaw pero hindi parin sure kasi nka indiansit c baby bak naipit lang nung 6 months nagpa ultrasound ako ayon baby girl

50/50 pa din momsh kasi possible nga na nakatago sya or maliit kaya di pa makita.Ganun din sinabi samin ni OB para di rin kami magexpect, pero the next month na sure nya na samin gender ni baby.Luckily, we have a baby girl katulad ng pinagpray namin :)

Pag nasa tamang posisyon c baby at sinabi na 100% possible na baby girl..ako first ultrasound ko 4months and half and 100% sinabi girl at ngayon 36months na ako 3 times na ultrasound girl tlaga baby ko.

6y ago

Pa ultrasound ka nlng ulit after 7months sis para sure..Kasi mahirap hanapin gender Ng girl kysa boy

un iba po pag 7 months n ng papaultrasound pra dw po sure na sure n un gender ng baby... pero aku nun 9 months n ng pa ultra sound hehe d p din nkita kse nka dapa ang baby..

Yea kadalasan pag girl ngtatago na. Pg boy kc pg 5 mos mas nauuna tumubo ung gender nla

Siguro po 50/50 ang chance na girl. Mas ok po kung 6months na. At hindi nakatalikod

mas mahirap kasi madetect ang baby girl mommy.

Pareho po tayo momsh 😁😁😁

Possible na girl na momsh.