give me hope...
Kapag nabuntis po ba ng maaga wala ng patutunguhan ang buhay? Huhu bigyan nyo po ako ng pag-asa kasi pakiramdam ko nasira na lahat ng pangarap ko. Im 21 yrs old.

Sis I gave birth at 21 yrs old. Undergraduate, pero may stable job nung panahon na buntis ako hanggang sa nanganak. Sobrang down ko rin nung mga panahon na yon pero tinanggap kong blessing yung mga anak ko. Twins pa. It depends on how you are going to accept the situation. Use it as an inspiration to grow better. Ibang usapan ang pagiging magulang. Mukhang madali pero mahirap at kailangan ng maraming tyaga at pasensya. Pero diba, magagamit mong inspiration ang baby mo para makamit mo mga pangarap mo. Pag nawawalan ka na ng pag asa, may baby ka na nanjan para patatagin ka pa lalo. Dahil alam mong kailangan ka nya. Gawin mong syang strength sa araw araw kapag nagdodoubt ka, isipin mo yung anak mo never yan magdodoubt sayo.
Magbasa pa

