give me hope...
Kapag nabuntis po ba ng maaga wala ng patutunguhan ang buhay? Huhu bigyan nyo po ako ng pag-asa kasi pakiramdam ko nasira na lahat ng pangarap ko. Im 21 yrs old.

20 years old ako ng pinanganak ko ang eldest ko while hubby was 18 years old. pareho kami walang trabaho at umasa lng si hubby sa extra2x na income. Pinagdaanan nami ang sobrang hirap sa buhay, lalo na nung nagka anak pa kami ng isa. pero masaya kami kasi kasama naming ang isa't isa. Until we decided we make changes for our growth para na rin sa mga anak namin. Naghanap ng trabaho si hubby at thankfully, natanggap naman. bumalik ako sa pag aaral sa city college kasi mura lng ang tuition. Unfortunately, hindi ko natapos ang kurso ko kasi nga kapos pa din. Kaya naghanap ako ng trabaho at sa awa ng Diyos, stable na ako sa trabaho ko ngayon. 17 years na kami ni hubby, & our children are growing more responsible at malapit sa Diyos. Sa ngayon, wala na akong hihilingin pa because I am blessed more than I deserve. mommy, don't ever lose hope. Kapag laging nasa puso mo ang Diyos, lahat ng imposible ay magiging posible. Miracles do happen everyday, but you have to keep believing.
Magbasa pa

