give me hope...
Kapag nabuntis po ba ng maaga wala ng patutunguhan ang buhay? Huhu bigyan nyo po ako ng pag-asa kasi pakiramdam ko nasira na lahat ng pangarap ko. Im 21 yrs old.

Wala naman yan sa edad, basta masikap at matiyaga ka. Sino ba sila para sabihin na wala ka ng pag asa sa buhay? Hawak ba nila kapalaran mo? Hindi naman diba, ikaw ang gagawa ng kapalaran mo. Pabayaan mo mga tao na yon, wala naman silang maiaambag na maganda sa buhay nio. Wag ka ma discourage sa mga sinsbi nila, gawin mong encouragement bagkus. Patunayan mo sa kanila na kaya mo, un ang panghawakan mo. Alam mo ako non kakagraduate ko palang sinasabihan ako na marami nga daw graduate pero walang trabaho di daw ako mkakapasok sa call center, kahit ilang beses ako nareject sa interview tuloy pa rin ako hanggang isang araw natanggap ako tuwang tuwa ako sabi ko sa sarili ko 'kaya ko'. Nung nalaman nila na nakapasok ako at mas malaki sahod ko sa anak nila nga nga sila. Unang trabaho ko yon, ewan ko ba bat gustong gusto ko maging call center agent non. After 2 years nag resign ako na ospital kase ang mama ko kritikal sya non, ako ang nag alaga at nag bantay sa kanya. Isang taon ako nakatengga. Nangarap ako na maging pulis, ayan nanaman sila di daw ako magiging pulis malayong malayo daw. Pinanghawakan ko yon, sinabi ko sa sarili ko walang imposible balang araw magiging pulis ako ipapakita ko sa inio. Nagtuloy tuloy lahat simula application ko hanggang training natapos ko yon, ngayon pulis na ko at pinagmamalaki ulit ako ng mama ko. Asan sila? Ung mga nagsasabi na hindi ko kaya kuno? Wala, wala silang masabi. Ikaw gagawa ng kapalaran mo, hindi ung mga tao na nasa paligid mo. Goodluck sayo at sa magiging baby mo. Kaya mo yan, naniniwala ako.
Magbasa pa


a mother and wife