give me hope...

Kapag nabuntis po ba ng maaga wala ng patutunguhan ang buhay? Huhu bigyan nyo po ako ng pag-asa kasi pakiramdam ko nasira na lahat ng pangarap ko. Im 21 yrs old.

106 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hello sis! I am 20 yrs old and 31 weeks pregnant na. Wag kang mag alala. Nabuntis ka, magkakaanak ka pero hindi ibig sabihin non na wala nang patutunguhan yung buhay mo. Ako, college na, nag aaral nung mabuntis. Nag stop ako agad nung nalaman kong buntis ako. Yung mga kabatch mate ko nakagraduate na, nakapagtake na rin ng board exam at karamihan sa kanila nakapasa na pero ako nandito sa bahay, hinihintay paglabas ni baby. Minsan naiiyak ako kasi naiisip ko paano kaya kung hindi ako nabuntis agad? Siguro graduate na rin ako, siguro nakapag take na rin ako ng board exam at board passer na pero hanggang doon lang yon sis. Kasi naiisip ko rin na ano naman kung nauna sila? Ano naman kung nabuntis ako nang maaga? Kung nabuntid tayo nang maaga? Mas nauna lang tayo magkakaroon ng anak sis pero hindi ibig sabihin non na sira na yung buhay natin. Pwede pa naman natin ituloy yung mga bagay na nahinto natin dahil sa nabuntis tayo kapag napanganak na natin si baby. Ayaw mo ba non? Mas nadagdagan inspirasyon mo para magpatuloy at abutin mga pangarap mo kasi nandyan na baby mo? Sa buhay sis, hindi tayo nawawalan ng patutunguhan kung magpupursigi tayo na ipagpatuloy pa rin yung mga nasimulan natin. Kayang kaya mo yan sis! Kayang kaya natin yan. Tandaan mo, hindi na lang ikaw ang mag isa ngayon, may baby ka na. Dalawa na kayo. Gawin mo siyang inspirasyon para magpatuloy ka, para abutin lahat ng gusto mong abutin. ♥️ Wag mong isipin na walang patutunguhan yung buhay mo. :) GODBLESS!!!!.

Magbasa pa