give me hope...
Kapag nabuntis po ba ng maaga wala ng patutunguhan ang buhay? Huhu bigyan nyo po ako ng pag-asa kasi pakiramdam ko nasira na lahat ng pangarap ko. Im 21 yrs old.

19yrs old lang po ako unang nabuntis. 3rd year college. That time ako na lang inaasahan ng magulang ko para mairaos sila sa kahirapan. Sobrang na-depressed ako kasi nabuntis ako ng maaga. Pero pinagpatuloy ko pa rin pag-aaral ko. saktong sakto ang due ko non is April wala ng pasok. Sinuportahan lang kami ng mga magulang namin. Nag working student pa asawa ko non para lang makapagtapos rin siya sa pag-aaral. Ngayon stable na kaming dalawa. May konting ipon, Insurance at hinuhulugang bahay kahit hindi masiyado malaki ang sweldo. Buti na lang parehas kaming hindi maluho sa gamit. Now I'm on my second pregnancy (answered prayer) Medyo natatakot ulit ako pero kakayanin namin. Wag kang mawalan ng pag-asa. Ginagabayan ka ni Lord kaya kumapit ka lang. ❤️
Magbasa pa

