give me hope...

Kapag nabuntis po ba ng maaga wala ng patutunguhan ang buhay? Huhu bigyan nyo po ako ng pag-asa kasi pakiramdam ko nasira na lahat ng pangarap ko. Im 21 yrs old.

106 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

21 din ako and im currently 5 weeks and 4 days pregnant. Nag-aaral pa ako and tinatago ko pa sa ngayon. Sabi ko sa sarili ko, tapusin ko lang tong sem na to ng maayos, pahinga ako ng 1 sem. Wag ka susuko. Ako nung unang nabuntis, iyak din ako ng iyak kaya ang ending di na lang binigay samin ng asawa ko. Ngayon, buntis ako ulit. Dinadahan dahan ko na ang acads para kay baby. Praying na buhay na siya this time. Ang natutunan ko is, blessing yan ha! Blessing yan :) di pa nawawala sa calendaryo ang age natin kaya tiwala lang, di masisira ang buhay natin kung hahayaan nating hanggang dun lang tayo. Set a goal and achieve it! Pinagppray ko nga na maging top notcher ako in the future para sampal yun sa kanila na di ako nahuli. Nagpahinga lang ako :)

Magbasa pa