Kanina po check up ko sa emergency para pag manganganak ako, maasikaso nila ako. Tapos nakwento ko sa ob ko na nanlalamig kamay ko, at biglang di ko mahabol hininga ko na nanghihina na umaakyat yung presyon. Tapos pinarequest niya ako sa isang dr na nagpapa2d echo para icheck yung heart ko. Pero wala naman po nakita, low risk naman po ako at tsaka normal po nakita sakin. PinaECG nalang po ako. Kasi medyo pricey po yung 2d echo. Ang bait po nung dr. Pero pinagbawalan nila ako sa matatamis, chocolate etc. Kahit yung gatas kong choco wag ko na daw iinumin? Maliban sa matatamis, yung choco kong gatas iinumin ko pa ba o hindi na? Syempre need din po ng baby ko ng calcium. Susundin ko po ba? 33 weeks po
Anonymous